Chapter 4

13.6K 318 76
                                    

Paisley works as a cashier at Kazzhandra's restaurant. She studies at day and works in the night, until eleven pm. Ang natitira niyang oras ay iniwan niya sa pagbabasa ng script o kaya naman ay kunting pag-aaral.

Madali lang siyang makaalala, siguro dahil palaging nae-exercise ang kanyang utak sa pagme-memorize ng kanyang mga linya sa teatro, perks.

The restaurant is specifically busy from six to eight, medyo okay na pagdating ng nine pm hanggang eleven.

Kahit naman cashier lang siya, nakakapagod rin, liban sa pag-punch ng card at pagsukli kung cash ang bayad, gawain rin niya ang pag-a-audit dahil siya ang cashier na panghuli ang shift, dati sakit iyon sa ulo, ngunit nakasanayan nalang din, nakatayo lang din siya kaya medyo nakakangalay, ilang oras rin kaya.

She looked into her watch, napahinga siya ng mabigat, quarter to eleven na, may pumasok pang costumer. Dalawang lalaki, naka purong itim, pumwesto sa hardin.

Parehong matanggad at may magandang pangangatawan, ngunit iyong isa ay mas talaga.

Mas mahaba ang binti, mas solid ang katawan, mas intimidating. At ang matapunan niya ng tingin ang mukha ay nais niyang matawa, gabi na, naka cap pa, sinamahan pa ng shades!

Parang tumbak-tumbak!

She smiled when she immagined the face of a dragonfly, yeah!

Gwapong tumbak-tumbak! Hahay Paisley...

"Paisley..."

Napatingin siya kay Macoy, isa nilang waiter nang tawagin siya nito, may hawak itong mop. Naglilinis ito sa indoor na bahagi ng restaurant.

"Paki kuha naman ng order nila, mesa ko iyon, busy pa sila sa paglilinis sa kusina e..."

She nodded and got out of the little room she's in, busy sila, she's willing to help, she got the menu and her pen and paper.

"Good evening," bati niya, isa sa dalawang lalaki ang nagtaas ng tingin, iyong walang cap na sout, " this is the menu..." inilapag niya iyon sa mesa, "I'll come back if you're ready to order... but we will be closing at eleven oclock," so bilisan niyo na.

"Sandali..."

Natigil ang pagbalak niyang tumalikod. One word, a deep and baritone voice, it only took a word, tumigil ang paa niya.

Tumingin siya sa lalaking nakacap, a dangerous smirk displayed on it, parang nakita na niya...

Para talagang—

"Ms. Diaz..." anitong nagpalaki sa mata niya.

Bakit ako nito kilala?

Bahagya siyang kinabahan na naexcite.

Magtatanong na siya nang ilapag nito ang maliit na wallet sa mesa.

That's mine!

She looked into the man, paanong napunta rito ang kanyang wallet?

At nawala ang wallet niya nang hindi niya man lang namalayan?

Tanga!

"Uh..." she was speechless, tiningnan niya ang kasama nito, he has expressionless face, "salamat?"

Alangan pa siya, di naman kasi nagsasalita.

"Uh, salamat," inayos niya ang sentence saka akma sanang kukunin ang wallet nang mabilis iyong dinanmpot ng lalaking may cap at inilagay sa medyo malayo na parte ng mesa.

Tumaas ang kanyang kilay.

"Not so fast kid..."

She stilled... tiningnan niya ng maigi ang lalaking nakasalamin... ramdam niyang nakatingin ito sa kanya sa kabila ng harang.

The Governor's Temptress is a Student? (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon