Chapter 13

11.4K 208 83
                                    

"Hoy, Paisley!  Diin ang nanay mo nga prosti ha? (Asan 'yong nanay mong prosti ha?)"

Halos mapatalon siya sa marahas na bagsak ng mga salita ni aling Kiana, medyo may katabaang babae, mga nasa mahigit trenta na siguro ang edad, nasa labas ito ng kanilang sirang kawayang tarangkahan.

Nakasuot ito ng daster, magulo ang buhok, galit na galit ang mukha.

Mula sa pagkakaupo malapit sa balon dahil naglalabada ay sinikap niyang ituwid ang tuhod na namamanhid.

"Waay di si mama te...(wala po si mama dito)" sinikap niyang maging magalang pa rin ang tinig.

"Aba!" pinuwersa nitong binuksan ang tarangkahan, nagkandabali ang kawayan.

"Hoy Patricia, lumabas ka rito, malandi ka, nakipagkita ka sa asawa ko noong nakaraan, akala mo hindi makakarating sa akin ang balita!"

"Wala po talaga si mama rito aling Kiana."

Tinangka niyang pigilan ito sa pag-akyat sa kanilang bahay, kamalig lamang iyon. Gawa sa kawayan at pawid, maliit, tumutulo kapag umuulan.

Ngunit kahit nahawakan niya ito sa braso ay inisang waksi lang siya nito.

Nagsisigaw ito sa loob, tulog pa naman si Ely doon. Malayo ang kapitbahay nila kaya wala siyang mahingan ng tulong, sa malayong likod ay ang malapad na plantasyon ng tubo sunod ay ilog kaya wala talagang mga tao.

Naririnig niya ang mabibigat na yabag nito palabas.

"Nasaan ang nanay mo ha!?"

Hindi siya sumagot, yumuko nalang.

Naglako ang kanyang ina ng gulay, nilalakad nito ang kabilang baranggay.

"Prostitute 'yang nanay mo!" sigaw nito sa kanyang mukha, hindi niya pinapatulan, sanay na siya, "alam niyang may asawa iyong tao e!"

"Hindi po ganoon si mama," mahina niyang saad.

Matalim siya nitong tiningnan.

Hindi prostitute ang kanyang ina, alam niya kung anong pag-iwas ang ginagawa nito sa mga lalaki.

Kung ang ganda ay swerte para sa iba, sumpa ito sa kanilang mag-iina. Madalas silang napagdidiskitsahan, madalas napagtatangkaan. Kung matulog sa gabi ay may katabing itak at kutsilyo.

"Hindi ganoon!? O ba't nagkaroon ng dalawang anak na walang asawa? Aba, sinunod pa ang apelyido doon sa mga mayayamang Diaz! Baliw 'yang nanay mo!"

"Aling Kiana, umalis nalang po kayo, sumusobra na po kayo."

Ngumisi ito sunod ay biglang hinablot ang buhok niya.

"Ay... matapang? Mana ka rin sa nanay mo. Nakita kitang bumaba sa kotse ng matanda kahapon a... ano ipagyayabang mo iyon? Katorse ka lang, bayaran ka na!"

"Hindi ako bayaran! Hindi bayaran si mama!"





She closed her eyes and listened how the piano played, naghihintay ng kanyang tamang pagpasok.

"You are sunlight and I moon
Joined by the gods of fortune
Midnight and high noon
Sharing the sky
We have been blessed, you and I"

Tumulo ang kanyang luha, iyon ang panghuling kanta sa pinagbidahan niyang play sa school. Huli na ito para sa ngayong semester.

This is the main character's favorite song, Sun and Moon, na kalauana'y naging paborito na niya rin dahil palagi niyang kinakanta.

Nang magsara na ang kurtina ay hindi niya pa rin mapigilan ang luha, nasa script ang umiyak ngunit natural ang sakit niyang naramdaman. Sapagkat ang kanta ay parang sumasalamin sa kanyang buhay.

The Governor's Temptress is a Student? (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon