Chapter 32

8.3K 225 50
                                    

Happy 20k reads! Yeeyyy! Thank you sa inyo. ❤️

* * * * * *


Unang beses sa loob ng dalawang linggo siya nakahawak ng cellphone, naiwan iyong kanya sa bahay ni Draco. Dala ito ni Kaleb kanina, mamahaling brand at latest ang model, tag-iisa sila ni Ely, ayaw niya sanang tanggapin kaso wala na siyang alam sa mga nangyayari sa labas o kaya contact man lang sa mga taong malapit sa kanya, kaya pumayag na lang.

Unang beses sa dalawang linggo, nakakita siya sa wakas ng mga bagong mukha, sila lang naman ang naririto, siya, si Ely, Randolf, Kaleb at ilang bodyguards, si manang Luna, mayordoma rito, at ang tatlo pang kasambahay, sina Jezz, Brenda at Iya.

She is scrolling into the news and found herself in it, kasama si Ely. Maraming-maraming mga artikulo ngunit pareho lang ang laman.

...Paisley Ellineth Diaz at Ascensión Ellynor Delos Nieves, ang mga nawawalang anak ng dating gobernador ng Cotabato Norte, Randolf Diaz...

She smirked upon reading it. Kahit saan talaga, kapag sinungaling, patuloy na magsisinungaling.

"Hindi kami nawala, hindi niya kami kinilala," mapait niyang salita not minding whoever can hear it.

Tumingin siya sa malaking salamin na kaharap, kita niya ang pagkabigla  ng nag-aayos ng kanyang buhok. Tiyak niyang dinig din ito ng dalawa pang babae na naghahanda ng kanyang damit sa likod.

Totoo naman ang sinasabi ko, so paki ko?

Loyal man sila kay Randolf o ano, whatever.

Sandali lang ito natigil, nag-spray ito ng kung ano sa kanyang buhok. Magkakaroon ng engrandeng salu-salu ngayong gabi para sa 'welcome party' nila ni Ely. Nais niyang masuka.

Welcome party, the heck! Anong dapat e-celebrate rito?

She continued reading.

... sa ngayon ay hindi pa naglalabas ang kampo ni Mr. Diaz kung sino ang ina ng kanyang dalawang anak...

... Paisley Ellineth Diaz is a 20-year-old theater actress, she performs in Continental Hotel once a month. She studies in Villegas College and is now coming fourth year...

.... Paisley is the rumored girlfriend of the governor...

She let out a bitter smile as a pinch disturb her heart.

Nabaling ang kanyang atensyon sa pinto nang pagbuksan ng kasama niya si Kaleb, pumasok ito, may hawak itong malapad na itim na box, may nakaukit na Cartier sa ibabaw.

Pumunta ito sa kanyang gilid.

"A gift again, from your father."

He opened it to show what's inside, napahanga siya ng lihim sa ganda ng desinyo ng mga jewelry, nalula kalaunan, dyamante, tiyak niyang nakakamatay ang presyo.

Hindi siya nagsalita, ipinatong nito iyon sa mesa bago lumabas. Napahinga siya ng mabigat.

Luxurious living, life style, whatever you call it, is not her thing, will not ever be her things, humahanga siya sa magagandang bagay ngunit hindi siya gagastos ng milyon-milyon para sa isang kwintas, o singsing o  bag kahit na may pambili siya pagdating ng araw. Hindi niya kinalakhan ang ganito kaya't hindi sanay.

Randolf is really pushing her to madness, labis na pagmamatigas ang ginawa niya sa welcome party nitong balak ngunit sinabi nitong hahayaan siyang makita ang kanyang ina at si Harsha kapag dumalo siya.

She missed Harsha so much, lahat sa batang iyon, kahit pag-iyak. She missed her mom too, tatlong araw lang ang pinakamatagal niyang mawalay rito at ngayon ay halos ikalugmok niya. And most especially....

The Governor's Temptress is a Student? (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon