Chapter 4- Remember Me?

95 3 5
                                    

"NAGHINTAY AKO PERO HINDI KA DUMATING. MARUNONG NA PALANG MAGPAKIPOT ANG PLAYGIRL NGAYON?"

Aba! Ang kapal! Caps Lock talaga?

Nagsisimula na akong mainis sa taong to.

Excuse me? Marunong kaya akong magpakipot no!

Hindi nga lang halata.

At least marunong.

"Teka miss kanino galing to?" Tanong ko habang nakayuko't nakatitig pa rin sa note.

Wala yatang sumasagot?

Iniangat ko ang ulo ko. Wala na pala sya?

Di man lang nagpaalam?

Nakakainis!

Pero wait!

Pano niya nagawa yun.

For a few seconds nawala kaagad siya.

Bigla akong kinabahan.

Baka multo na naman yun.

Diyos ko po. Ano po bang kasalanan ko ba't sinusundan ako ng mga multo?!

Ang creepy na  talaga ng school na ito.

Kailangan na talaga 'tong mapa-blessingan ulit.

Ang dami na yatang ligaw na mga kaluluwa sa lugar na ito.

Lumingon-lingon ako.

Te-teka!

Nasaan ang mga tao dito?

Nag-iisa na lang pala ako dito?

Kinabahan ako lalo at feeling ko parang lumamig ang paligid.

Nasa may Audio Visual Room (AVR) pala ako ngayon.

Konti lang talaga ang mga dumadaan at pumupunta dito.

Binilisan ko ang paglalakad ko hanggang sa hindi ko na napigilan, tumakbo na talaga ako papalabas ng school.

Hay salamat naman at nakalabas ako ng ligtas sa building na yon.

Hinihingal pa ako sobra.

Ang layo din kaya ng tinakbo ko.

Hanggang sa natawa nalang ako sa sarili ko.

Para akong tanga.

"BALIW KA BA?"

May narinig akong boses ng lalake.

Lumingon ako sa kanan ko, wala namang tao.

Lumingon din ako sa kaliwa ko, wala ding tao.

Huhuhu. Sino yun?

Kinabahan ulit ako ng narinig kong may humahakbang sa likod ko.

Tangina!

Ang creepy ng pagkakahakbang niya!

Ang tahimik pa ng paligid tapos ang lakas pa ng hangin. Seriously? Horror ba to?!

Gusto kong tumakbo pero parang ang bigat ng paa ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Bwisit na paang to! TUMAKBO KA NA!!!

Sumigaw ako ng malakas at pinilit kong tumakbo pero nung papahakbang na ako biglang may humawak sa kanang kamay ko.

OMG! Ang lamig ng kamay niya!

Hinila niya ako at pinaharap sa kanya.

Ako naman napapikit na lang sa takot.

Bakit ba kasi nakapa OA ko! Sino ba naman kasing hindi matatakot dito.

Lord katapusan ko na ba to?

Naramdaman kong nakaharap na ako sa kanya.

At bigla siyang may idinikit na kung ano sa noo ko. Grabe ha? Ang lakas nun. Napaatras ako.

"ARAY!" Reklamo ko at dahan-dahan akong dumilat.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Hindi ako makapagsalita. Napanganga na lang ako at feeling ko ang tanga-tanga ng reaction ko.

"Remember me, Ms. PLAYGIRL?"

Tangina! Bakit ganun? Nung binanggit niya yung Ms. Playgirl, nagslow mo?

So ano na Abby?

Tutunganga ka na lang ba dyan?

Hindi ka ba magsasalita?

Para ka ng tanga eh. BILIS MAGSALITA KA NA!

"Ikaw?" Tanong ko sa kanya na hindi man lang pinag-isipan. Basta lumabas na lang bigla sa bunganga ko.

Ang tanga! Dapat hindi ganun Abby! Dapat cool ka lang. Wag ka magpahalatang nagulat sa nakita mo.

Ewan ko, nababaliw na yata ako!

PLAYGIRL meets the PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon