Love is a stupid thing. Love is just a game. Ganyan ang definition ko sa love. Kaya sorry na lang ang matalo. Ni minsan sa buhay ko hindi pa ako natatalo pagdating sa mga ganyan. Ni minsan din hindi ko pa nagagawang magseryoso sa isang relasyon. Kasi 18 years old pa lang naman ako, why should I stick to one person kung may time pa akong maghanap ng iba. Di ba? I just want to enjoy myself. So far, nag-e-enjoy pa naman ako.
Ayoko ko lang talagang i-pressure ang sarili ko sa mga ganyan. Naniniwala kasi ako sa destiny. Darating at darating din yung taong para sa akin, no matter what it takes. Umulan man o bumagyo magtatagpo ang mga landas namin kung gugustuhan ni Lord. Magiging seryoso din ako pagdating ng tamang panahon. Well, hindi pa naman tamang panahon. So Mag-e-enjoy muna ako at syempre hindi muna ako magseseryoso.
Alam ko kapag nagmamahal puso ang ginagamit. Pero dapat mas ginagamit natin yung utak natin. Sa panahon ngayon mahirap ng malaman kung sino talaga ang nagseseryoso at hindi. Sobrang sweet nga, at abot langit ang effort, sasaktan ka lang pala. Yan tayo eh. Kaya kung nasasaktan ka na at kung hindi na kaya, simple lang, bumitaw ka. Baka hindi lang talaga kayo para sa isa't isa.
It's true that you can never meet someone like him but I know for sure that you can meet someone better than him. Kaya sa mga nagpapakatangang mga girls dyan, gumising na kayo! Hindi lang sila ang lalake sa mundo.
Actually, "Campus Playgirl" ang tawag nila sa akin. Gosh! I hate that! Wag na wag nila akong matawag-tawag na playgirl! Obvious na nga pinapangalandakan pa! Hahaha! Sa bagay wala na man akong magagawa, syempre sikat ako sa school namin. Hindi naman kami mayaman, may kaya nga lang. Hindi naman ako matalino, pero may utak ako. Malamang! Patay na sana ako ngayon kung wala akong utak. Pero maganda ako promise! Pero secret lang natin to ha? Kahit obvious naman talagang maganda ako. :P (Evil Laugh)
Tinatawag nila akong playgirl kasi iba-iba lang yung nagiging boyfriend ko. Aba eh! Kasalanan ko bang magsawa agad ako sa kanila? 3 months lang yata yung pinakamatagal kung naging boyfriend. In fairness ha, muntik na! Muntik na talaga akong mainlove sa kanya. Buti na lang na turn off ako. HAHAHA! Ang sama ko talaga.
Pero hindi ko talaga alam kung bakit ang sarap sa feeling kapag nakikita mong nasasaktan sila tapos nagmamakaawa upang balikan ko. Grabi! Sobrang tigas talaga ng puso ko! Ewan ko ba't hindi ako naaawa, natutuwa pa nga ako eh. Parang ipinanganak yata talaga akong may galit sa mga lalake? Ewan ko!
Minsan natatakot din ako sa karma. Kaya nga ipinagdadasal ko kay Lord na sana wag munang romonda si karma. Next time na lang, nag-e-enjoy pa ako sa buhay ko. HAHAHA!
Ika nga nila, "Life is a battlefield, you should fight in order to live." Yeah right! Pero para sa akin kapag sa love, "Love is a game, you should play in order to win." :P
BINABASA MO ANG
PLAYGIRL meets the PLAYBOY
Teen FictionWHAT IF ??? Mag-meet si Playgirl at si Playboy? Maglalaro pa rin kaya sila o may mas exciting pang magaganap sa pagkikita ng dalawang taong expert sa pangloloko. Good luck na lang sa kanilang dalawa.