Chapter 3- Love at First Sight?

137 2 0
                                    

“Abby…”

“Abby?”

“Abby!”

“Uhmmmm…” nakapikit pa rin yung mga mata ko. Sobrang inaantok pa kasi ako.

“Abby gumising ka na.”

“Opo.”

“Bumangon ka na dyan, nakahanda na yung pagkain.”

Hay! Gusto ko pa sanang matulog kaso ang ingay-ingay ni Manang Sonya.

Daig niya pa ang alarm clock ko sa sobrang ingay.

Si Manang Sonya nga pala yung katulong namin for almost 20 years. Bago ba ako ipinanganak katulong na namin si Manang Sonya. Pero hindi ko siya tinuturing na katulong kasi parang nanay ko na rin siya.

“Aray…” naramdaman ko ang sakit sa mga paa ko.

At bigla kong naalala ang lahat ng nangyari kahapon.

Bigla rin akong natauhan nung naalala ko si Mr. Ghost!

Oo, yung humalik sa akin. Grrrrr! Nakakainis talaga isipin.

Bumangon na ako at nagtungo sa dining table. As usual nakahanda na yung pagkain ko. Ganyan ako ka mahal ni manang.

“Manang…” tinawag ko siya.

“Sabay na po tayo.” Anyaya ko sa kanya habang nakaupo ako sa dining chair.

“Ay wag na anak tapos na akong kumain. Sige na kumain ka na dyan baka ma-late ka pa ngayon.” Sabi niya habang may inaasekaso sa kitchen.

Nginitiin ko lang siya at kumain na ako.

Handa na ako para pumasok sa school kaya nagpaalam na ako kay Manang.

Off to school…..

So ano na?

Bakit excited ako?

Siguro excited lang talaga akong malaman kung sino talaga si Mr. Ghost para maupakan ko na siya. Grrrr.

Umagang-umaga ayokong ma-stress. Calm down Abby.

Habang pababa ako ng kotse, sinalubong kaagad ako ng mga girls.

Well, yung mga plastic kong kaibigan na si HAZEL, MIA at JOYCE. Sorry, totoo naman talaga eh.

“ABBY!!!” Napalingon ako sa lakas ng boses nila.

Nasa harapan ko na sila at tila hindi makapagsalita kasi hinihingal pa.

“Oh ano?” Nagtataka ako. Ano na naman kayang balita ang nasagap nitong talong to.

“Abby….” – Mia. Nahihirapan pa rin siyang magsalita kala mo naman kung gaano ka layo ang tinakbo.

Hinintay ko silang makapagsalita ng maayos.

“Abby alam mo na ba yung balita?” –Mia. Wow so ako pa ngayon ang tinatanong ng babaeng ito.

“Bakit? Anong balita ba yan?” sabi ko. Pero kalma lang ang boses ko na parang hindi interesado. Pero deep inside gusto ko talagang malaman.

“Hindi mo talaga alam?” –Joyce. Ay gaga pala tong babaeng to eh. Magtatanong ba ako kung alam ko na?

“Alam niyo nakakainis kayo. Diretsohin niyo nga ako.” Sabi ko habang nakapamaywang.

“Tara halika!” hinila ako ni Hazel.

“Teka ano ba!” Pinipilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaso medyo malakas si Hazel eh.

“Gusto mo ba talagang malaman? Kung gusto mong malaman wag ka ng mag-inarte diyan at sumama ka na sa amin.”- Hazel. Taray ah! Siya pa tong nagagalit.

PLAYGIRL meets the PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon