Chapter 2- Best Friend

122 1 2
                                    

CHAPTER 2

*Abby's POV*

First time ko tong ginawa sa buong buhay ko na maglakad ng ganito kalayo.

Hindi ko na natiis hinubad ko na ang suot-suot kong 4 inches na school shoes.

Sanay naman akong magsuot ng ganito ka taas na heels kaso nakakapagod na talaga.

Mababaliw na yata ako sa sakit ng paa ko.

Ilang kilomentro na din yung nilakad ko. Char.

Nangangawit na talaga ang paa ko!

Bakit ba ang malas-malas ko ngayon! Nakakainis!

Yung multo talaga ang may kasalanan nito.

Mananagot siya sa akin!

Naku paano ko ba makukuha ang mga gamit ko sa kanya. =(

So papunta nga pala ako kela Sarah.

Sino nga ba si Sarah ?

Si Sarah Palmez ay ang best friend ko.

Kaso hindi kami nag-aaral sa iisang school ngayon.

Actually Elementary hanggang High School classmates kami. Kaso nagkahiwalay kami nung nag college na kaming dalawa.

Nakakalungkot pero ganun talaga eh.

Since wala akong kapatid siya yung tinuturing kong kapatid.

Sobrang magkasalungat ang mga personalities namin pero kahit na ganun nagkakasundo pa rin kami kahit papaano.

Mabait si Sarah at feeling ko siya lang nakakaintindi sa akin. Feeling ko lang naman. You know feeling naman talaga ako.

Hahaha!

Grabi napaka inosente ni Sarah lalo na sa mga relationship. Ay naku! Ang tanga niya promise!

NBSB si Sarah as in 'NO BOYFRIEND SINCE BREAK UP'

Akala niyo naman 'NO BOYFRIEND SINCE BIRTH' di noh?

Maganda si Sarah at hindi malabong magka boyfriend siya.

Kaso nga lang nung nagka-boyfriend sineryoso kaagad.

Langya di kasi nakinig sa akin na wag seryosohin, ayun tuloy pinaglaruan. Tsk! Tsk! Tsk! Sarap pektusan nung ex niya!

Kala mo kung sinong gwapo, maitim naman parang unggoy.

Ay sorry Lord. :)


Haaaaaay! THANK YOU LORD! After 48 years nakarating na din ako sa Coffee Shop na pinagtatrabahuan ni Sarah.

Madalas akong pumupunta dito kapag bored ako at gusto ko ng kausap at syempre kapag namimiss ko ang bestfriend ko. :)

Matagal-tagal din akong hindi nakadalaw kay Sarah. Two weeks I think. Miss na miss ko na talaga siya.

Pawis na pawis ako habang papasok sa Coffee Shop. Nasa may counter si Sarah naglilinis at gulat na gulat siya nung nakita niya ako.

Magtatanong na sana siya pero ako ang unang nagsalita.

"Oh wag ka na muna magtanong, bigyan mo muna ako ng tubig." Wow ha ? Demanding lang eh noh?

Sabi ko sa kanya habang umuupo ako sa may upuan sa counter.

Yan talaga gusto ko kay Sarah, hindi naman sa inaalipin ko siya pero talagang napakabait niya ginagawa niya kaagad yung gusto ko.

Well ako rin naman ganun din sa kanya so mabait din ako. :D

Habang umiinom ako ng tubig tinitigan niya ako ng isang What-happened-to-you look.

PLAYGIRL meets the PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon