"Abby.... Please? Wag mo namang gawin to sa akin." Hay ayan na naman tayo. Paulit-ulit na lang. Nagmamakaawa hindi naman nakakaawa.
"Please Abby, gagawin ko lahat. Wag mo lang akong iwan." Ay! Diyos ko naman tong lalakeng ito. As if naman mamamatay na ako.
Grrrr! Nandito nga pala ako ngayon sa may gate ng school namin. Center of the attraction na naman ako. Eh pano ba naman tong boyfriend ko I mean ex na pala, naki-pagbreak na ako sa kanya 1 minute ago.
Grabi ang drama kala mo naman mahal talaga ako. Sarap pektusan nito! Alam ko naman kung ano ang habol niya sa akin eh, yung pagiging popular at pagiging maganda ko lang naman.
Ayan na! May pa luhod-luhod pang nalalaman.
"Tumayo ka nga!" sigaw ko sa kanya. Gosh ang daming tao, sa bagay sanay na man akong palaging pinag-uusapan at tinitingnan.
Tumayo kaagad si Jerry. Hinawakan niya yung kamay ko at parang naluluha na siya. Wow! pang best actor tong lalakeng to!
"Abby, ano bang nagawa ko? May kasalanan ba ako? May pagkukulang ba ako?" Paawa effect ang mukha niya. Ang panget ah!
"Wala kang nagawa! Wala kang kasalanan at wala kang pagkukulang sadyang HINDI LANG KITA MAHAL!" Tinalikuran ko siya at umalis bigla. Ang hard ko di ba? Manigas siya. Binalaan ko na siya na hindi ko siya seseryosohin. Ang tanga kasi eh!
Sunod pa rin siya ng sunod sa akin. Sigaw pa rin ng sigaw sa pangalan ko. Pero hindi ko siya pinapansin, bahala siya sa buhay niya. Nakakairita na siya promise.
Habang naglalakad ako patungo sa classroom ko, nakita ko si Dexter. Siya yung bagong kong suitor. Tinawag ko siya.
"DEXTER!!!"
Lumingon siya at nilapitan ako.
"Abby bakit?"
Hinawakan ko ang kamay ni Dexter at hinarap ko si Jerry.
"So Jerry, this is my NEW boyfriend Dexter."
Hindi nagsalita si Jerry nakayuko lang siya. Nasasaktan siguro. :D
" So? Hindi ka pa ba aali..."
Biglang sinuntok ni Jerry si Dexter. And I was like O_o OH MY GOSH!
Nagsuntukan silang dalawa. Diyos ko naman malaking gulo to.
Nagsitinginan ang lahat. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Ah! Alam ko na!
Tumakbo ako papalayo sa kanila, pero hindi nila ako napansin kasi nagkakagulo silang lahat dahil nagsusuntukan si Dexter at Jerry.
Tumatakbo pa rin ako hanggang ngayon.
Naghahanap ako ng tahimik na lugar sa campus.
Ayun!
'STORAGE ROOM'
Gosh. Bahala na nga. Gusto ko lang talaga ng tahimik na lugar at walang mga tao. Alam ko medyo ew dito pero sige na nga. May choice pa ba ako?
Aaminin ko. Sikat ako sa school pero wala akong kaibigan. I mean tunay na kaibigan. Alam ko plastic silang lahat, as if naman hindi ko nahahalata.
Hay nako. Umagang-umaga na-stress kaagad ako. Ano bang buhay to, ayun tuloy hindi ako nakapasok sa 1st subject ko.
Langyang Jerry yun! Sinira niya araw ko.
Nakaupo ako ngayon sa may sulok, kinuha ko ang phone ko at headset ko.
BINABASA MO ANG
PLAYGIRL meets the PLAYBOY
Novela JuvenilWHAT IF ??? Mag-meet si Playgirl at si Playboy? Maglalaro pa rin kaya sila o may mas exciting pang magaganap sa pagkikita ng dalawang taong expert sa pangloloko. Good luck na lang sa kanilang dalawa.