"Ikaw?!?" Sabi kong pasigaw. Ay sorry. Medyo overacting.
Abby, relax lang. Wag ka masyado tanga ha?
"Hindi mo naman kailangan sumigaw."
Nilapit niya yung bibig niya sa kaliwa kong tenga at bumulong ng, "Oo ako nga."
At ako naman itong tangang hindi makagalaw.
May black magic yata tong taong to. Ni minsan sa buhay ko hindi pa ako nagkakaganito. Kainis!
Tinulak ko siya sabay sabing "Ano ba, di na ako nasisiyahan sa ginagawa mo."
"O? Akala ko ba gusto mo ng laro. Eh to na naglalaro na tayo." Aba! Aba! Ang kapal din naman ng taong to. Nasobrahan yata to sa pagkain ng hangin.
"Ano ba nakain mo?" Tanong ko sa kanya. Seryoso ako this time. :D
"Pagkain." Aba malamang. Hahaha. Hindi marunong maging specific kuya?
"Ay feeling ko hindi." Tapos tinitigan niya ako. So confused ka na kuya?
Hindi siya nagsalita pero alam ko gusto niya malaman so sinagot ko na.
"Feeling ko kasi HANGIN yung kinain mo. Kasi sobrang hangin mo!" Tas nag walkout na ako. Ni hindi ko man lang nalaman ano yung pangalan niya. Ay ewan ko nga sa kanya! He's not even important.
"Hey!" Sigaw niya. Hindi sana ako lilingon kaso ang tigas ng ulo ko kaya napalingon ako. Lumapit siya.
"I'm sorry Abby kung medyo napasama yung first impression mo sa akin. Pero gusto ko lang naman talagang magpakilala sayo. I'm Ian :) The guy you meet at the mall." Inabot niya ang kanang kamay niya.
Hala? Talaga lang ha? Ang kani-kaninang mahanging lalake ngayo'y naging formal guy na?
Ang bilis niya yata magtransform.
Aba! Akalain mo totoo pala si Ben 10? Ben 10 totoo ka pala?
Kawawa naman itong taong to kaya nakipag- shake hands na ako sa kanya.
*********
"So yun. Ganun yung nangyari." Sabi ko sa best friend kong si Sarah tapos inimon yung kapeng inorder ko. Nandito kasi ako ngayon sa coffee shop na pinagtatrabahuan niya.
"Yun lang? Wala ng iba? Ganun lang?" Tanong niya na parang kinukulangan pa sa storyang sinabi ko. Ano ba gusto ng babaeng to?
"Oo yun lang." I answered her as normal as I can.
"Weh? Sure ka? Talaga lang ha? Magtatampo ako kung may nangyari pang iba." Ay ang drama nitong babaeng to.
"Oh siya! Sige na! Hinatid niya ako sa bahay."
"Sabi ko na nga ba eh! Abby naman. Magpakipot ka naman minsan!" Ay galit? Ikaw nalang sana naging ako.
"Hahaha. Marunong ba ako nun?" Oo nga? Parang di naman ako marunong magpakipot. Hahaha.
"Gaga ka talaga. So paano na?" Tanong niya habang nakapamaywang.
"Paano? Kailangan mo pa bang itanong yan Sarah? Laro yung gusto niya eh. Hindi naman ako KJ then I'll give him what he want." Taray ko. LOL
"Wow. What if mainlove ka?" Tinitigan ko siya ng hindi ko alam yung isasagot.
"Hindi ka makasagot ngayon?" Sige pa Sarah, last ka na lang talaga sa 'kin.
"Hindi ako maiinlove promise. Ako pa. Matigas to." Sabi ko sa kanya ng hindi man lang pinag-isipan.
"Okay fine. Sabi mo eh. Pero basta Abby, babalaan kita. Masama ang kutob ko diyan sa Ian na yan."
*********
Nasa bahay na ako ngayon. Just exploring my new phone. Pero hindi talaga mawala sa isipan ko yung sinabi ni Sarah.
"What if mainlove ka?" "What if mainlove ka?" "What if mainlove ka?" "What if mainlove ka?"
OMG! NO! That's a BIG NO!
Pilit kong dinidestract yung utak ko at bigla ko na lang naalala yung ghost sa stock room. I mean, yung guy sa stock room.
I really want to find him! Feeling ko talaga nasa kanya yung cellphone at bag ko.
Malakas yung kutob ko.
So I dial my old number and try to call it.
Naka-turn off???
Grrrrrrrrrrr!
Humiga ako sa kama ko at tinitigan yung kisame.
What am I going to do?
It's already 9:51 PM. Tinawagan ko ulit.
Akalain mo nag ring? Na excite ako at umupo ng maayos sa kama ko. Naghihintay kung may sasagot.
Ayan na! Ayan na! Sinagot na!
"Hello?"
"Hello? Do you hear me?" Ayaw magsalita. Eh gago pala to eh! Nagsimula na akong mainis.
"Hello! Are you not going to talk!?" Ayaw pa rin magsalita.
"HELLOOOO!" Nanlaki mga mata ko nung may nagsalita na sa kabilang linya.
"Ang cute mo." Ako? Cute daw ako?
"Shut up. Who are you?" Tanong ko ng nagagalit ang tono.
"And who are you too?" I got pissed off.
"Ang kapal mo din ano? Ako ang nagmamay-ari ng cellphone na ginagamit mo ngayon. So please give me back my phone!"
"Oh thank God you called. I've been waiting for your call." Ang bait ng boses niya, nahiya tuloy ako.
"Who are you?"
"I'm Charles and you?"
"You don't need to know."
"Ang sungit naman nito. Para pangalan lang."
"Ano ba pake mo? I know we studied in the same school. Meet me at the rooftop tomorrow and give me back my things. Please, my things are really important to me. I don't care how much they cost but they are so important to me. I hope you understand."
"Okay. Pero wala bang thank you diyan?"
"Thank you. Bye. See you tomorrow."
Hay. Sa wakas, buti na lang talaga mabait siya. :)

BINABASA MO ANG
PLAYGIRL meets the PLAYBOY
Novela JuvenilWHAT IF ??? Mag-meet si Playgirl at si Playboy? Maglalaro pa rin kaya sila o may mas exciting pang magaganap sa pagkikita ng dalawang taong expert sa pangloloko. Good luck na lang sa kanilang dalawa.