TRIGGER WARNING:
This chapter will narrate scenes and contain dialogues about death, murder, rape, and violence. This may be triggering to readers with similar experiences.
Please engage in self-care as you read this chapter.━━
Chapter 7
He needs to see Adi.
Hindi kayang matulog ni Connor. Parati siyang binabagabag ng pagkakadawit ni Adi sa problemang ito. Why would she go there? Sa teritoryo ng mga Ignacio kahit na isa siyang Saavedra? Saavedra na kinapopootan ng mga Ignacio?
Mabilis ang patakbo ni Connor sa kabayo niya habang papunta sa mansyon ng mga Ignacio. Umaasa siyang makikita roon si Adi kahit na malakas ang kutob niya na hindi pupunta ang dalaga roon. Malamang ay hindi na pupunta pa roon ang dalaga pero gusto ni Connor na kumpirmahin iyon nang personal dahil bukod sa mansyon, hindi na niya alam kung paano pa makakausap si Adi.
Tama nga siya. Pagkarating niya sa mansyon ng mga Ignacio, si Adi ang una niyang gustong hanapin pero nang magtanong siya sa isang kasambahay, sinabi nitong walang naging bisita sa mga Ignacio magmula pa kaninang umaga.
Napabuntonghininga si Connor at hinanap na lang si Olivia.
Nakita ni Connor si Olivia sa likod ng mansyon kasama ang naggagandahang mga bulaklak sa harding nandoon. Nakangiti ito, ang klase ng ngiti na matagal niyang hindi nakita sa dalaga. Lumapit si Connor kay Olivia at hinalikan ang pisngi nito bilang pagbati. Nang humiwalay siya rito, nasalubong kaagad ng mga tingin ni Connor ang nagniningning na tingin ni Olivia sa kaniya.
May iba na sa kislap ng pagtingin sa kaniya nito.
Gusto ni Connor si Olivia—iyan ang alam niya. Dati, gusto niyang matanggap ang ganitong klase ng tingin mula sa dalaga pero ngayon. . . parang hindi na siya kumportable sa paraan nito ng pagtingin.
"Connor," maligayang tawag ng dalaga sa pangalan niya, may lambot sa boses.
"Olivia." Ngumiti si Connor. "Napadaan ako sa mansyon niyo kaya naisipan ko na ring bumati."
Tumango si Olivia Ignacio sa binata at inabutan siya ng isang piraso ng bulaklak na mukhang pinitas nito mula sa hardin.
"Sabi ni Daddy, nagkita raw kayo sa isa sa mga warehouse?" nakangiting tanong ng dalaga kay Connor.
Natahimik si Connor. Hindi alam ni Olivia ang tungkol sa buhay pang si Pablo Abrantes. Kapag kaya nalaman nito ang ginagawa ng ama niya sa lalaking iyon, magiging maayos kaya si Olivia?
Connor doubts it. Masyadong mabait si Olivia para roon. Hindi gugustuhin ni Olivia na may pahirapan at saktan nang ganoon. Olivia, to him, is like a white daisy—pure and innocent. Hinding-hindi nito gugustuhing makasakit.
And although Pablo Abrantes is evil, with Olivia's pure heart, Connor knows she wouldn't want what's happening with Pablo now.
"Yes." Ngumiti si Connor kay Olivia na ngayon ay namumula ang mga pisngi sa harapan niya.
"Thank you, Connor."
Connor shifts his weight and watches Olivia carefully. Sa mga nakaraang mga linggo, hindi naging maayos ang kalagayan ni Olivia dahil sa pagkawala ng kapatid niyang si Amelia at ang bigla ring pag-alis ni Andronicus—ang pinsan niya at ang lalaking mahal ni Olivia.
Matagal nang alam iyon ni Connor. Matagal nang ipinamukha ni Olivia sa kaniya na ang gusto nito ay ang pinsan niya. Pero bakit sa paraan ng pagtingin ng dalaga sa kaniya at ang paraan ng pagkislap ng mga mata nito habang nakatingin sa kaniya pabalik ngayon—bakit parang kakaiba ang lahat ng iyon?
BINABASA MO ANG
Raging Like The Cerulean Sea (Dela Vega Series #2)
Short StoryDela Vega Series #2: Connor Dela Vega