Prologue

1.6K 43 2
                                    

Prologue

Tahimik ang buong sementeryo sa Casiguran kaya't dinig na dinig ang malalakas na iyakan ng buong pamilya habang tinatanaw ang kabaong na unti-unting ibinabaon sa lupa. Ang mga puting rosas ay sabay-sabay na itinapon din doon.

Ilang hikbi ang pinakawalan ng dalaga habang nakapikit. Ipinatong niya ang mga kamay sa dibdib at pinagsiklop 'yon doon dahil nararamdaman niya ang paghigpit ng dibdib niya sa sakit na nararamdaman.

"Tulungan niyo kami! Pakiusap," sigaw ng isa sa mga taong nandoon—hindi kilala ng dalaga pero sa pakiwari niya ay isa ito sa mga kamag-anak na nandoon dahil isa ito sa mga nakasuot ng kulay puti, iba sa kanilang mga hindi kapamilya na nakasoot naman ng itim.

Nasaktan ang dalaga habang tinatanaw ang mga matang punong-puno ng mga luha at habang naririnig ang mga hikbi ng mga taong nasa paligid niya.

Hinawakan ng isang inang naghihinagpis ang dalawang braso ng dalaga at napapikit siya dahil alam niyang wala naman siyang kayang gawin.

Kung meron lang siyang puwedeng gawin.

Namuo ang galit sa dibdib niya habang iniisip ang lahat ng may inambag sa trahedyang ito. Napuyos ang damdamin niya sa lahat ng nanakit... nagbulag-bulagan... at nagkunwaring walang alam.

Gusto na niyang tapusin ito.

Tama na.

Raging Like The Cerulean Sea (Dela Vega Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon