TRIGGER WARNING:
This chapter will narrate scenes and dialogues about violence and torture. This may be triggering to readers with similar experiences.
Please engage in self-care as you read this chapter.━━
Chapter 4
Bumaba si Connor mula sa malawak at engrandeng hagdanan ng mansyon ng mga Ignacio matapos makatulog ni Olivia sa kuwarto nito. Alam niyang masiyado nang matagal ang lumipas na mga oras at maaaring nakaalis na si Adi pero hindi niya magawang maalis sa isipan ang hitsura nito nang umakyat siya kanina kasama si Olivia.
Hindi niya rin alam kung bakit nakakaramdam siya ng kaba at pag-aalala sa kung ano ang iisipin nito. Nagtanong na ito sa kaniya kanina tungkol sa relasyon niya kay Olivia. Ano na kaya ang iniisip nito ngayon?
Napangiwi si Connor nang tuluyan na siyang makababa at walang naabutan sa tanggapan ng mansyon ng mga Ignacio. Napahawak siya sa baywang at napabuntonghininga.
Connor softly mumbles a curse.
"I didn't get her number," he says to himself.
Ang dami nang pagkakataon ang lumipas at hindi man lang niya nagawang kuhanin ang numero nito. Kailan kaya sila ulit magkikita? Sa lawak ng Casiguran, posible kayang magtagpo ulit ang landas nila nang hindi dahil kay Olivia?
Aalis na rin ito. Maaaring kapag hindi na niya nakita si Olivia sa Casiguran, hindi na rin niya makita si Adi. At kung mangyari iyon? Ano ang mararamdaman niya? Malulungkot ba siya nang sobra?
Kaya naman, umuwi si Connor sa kanila nang hindi na nakikita pa ulit si Adi.
Tahimik na naman ang mansyon ng mga Dela Vega pagdating niya roon. Pag-apak niya pa lang sa lupain nila, sakay ng kaniyang kabayo, naramdaman niya na ang kakulangan habang nakatitig sa kabuuan ng mansyon. Malaki iyon, engrande, at isa sa mga pinakamalalaking mga bahay sa Casiguran pero sobrang lamig naman ang pakiramdam na dala noon—parang malaki ang kulang.
Aanhin niya ang malaki at engrandeng bahay na iyan kung alam niyang may bahid ng dumi iyon dahil kay Herodion Dela Vega? Lahat ng meron ang mga Dela Vega, hindi na alam ni Connor kung nanggaling sa malinis. Ang lahat ng tinamasa niya dahil apo siya ni Herodion Dela Vega, hindi niya mapigilang isipin kung galing ba sa malinis o hindi.
Gusto niyang makaalis kaagad sa puder ng kaniyang Lolo. The sooner, the better. Kaya nga naiinggit siya kay Andronicus kahit na ipapatapon ito sa ibang bansa. At least, he wouldn't have to face Herodion Dela Vega anymore.
Ah. . .if people are to know that these are his thoughts, they won't believe him. How can people believe that he doesn't like unrighteousness? Connor Dela Vega is known to be a troublemaker—isa sa mga sakit ng ulo ni Herodion. Kaya nga nandito siya sa Casiguran—nakakulong—dinidisiplina.
Napailing si Connor bago iginiya ang kabayo papunta sa daan papunta sa mga kuwadra. Agad na may sumalubong sa kaniyang trabahador ng mga Dela Vega para kunin na mula sa kaniya ang kabayo dahil ito na ang maglalagay noon sa mga kuwadra pero agad na tumanggi si Connor.
"Ako na ho," he says politely, giving the worker a small smile.
Tumango naman ang trabahador at dumiretso na paalis dahil paniguradong mayroon pa itong gagawin. Bumaba si Connor sa kabayo at hinawakan ang tali nito bago naglakad na papunta sa mga kuwadra.
Madilim sa parteng iyon na ipinagtaka naman ni Connor dahil sa pagkakaalam niya ay mayroong ilaw sa parteng iyon ng mansyon. Tiningala niya ang lamposts at ang mga kable ng kuryente.
BINABASA MO ANG
Raging Like The Cerulean Sea (Dela Vega Series #2)
Short StoryDela Vega Series #2: Connor Dela Vega