Chapter 12

146 4 2
                                    

Readers, sorry ah. Pinalitan ko na ang edad nina Gela at V. Si Gela, seventeen na. Si V naman, 18 na dito. Huhuhu.... sorry talaga nakakalito. Thank you sa pagbabasa!

Chapter 12

==============

[GELA]

School...

Nasa klase na ako. Wala ang proffessor namin, absent siguro o kaya may meeting. Wala din iniwan na seatwork sa classroom. So.... wala kaming ginagawa. Kaklase ko dito sina Rapmon at Suga.

"Woah hoah. Loner alert loner alert." Binato ko yung notebook ko kay Rapmon. Parang ewang nagpaparinig eh!

"Nang-aasar ka ba?!" Tumawa kaming parehas at pinulot niya yung notebook ko pero....

"Hala napunit?! Sorry..."-Rapmon. Waaahh! Nahati sa gitna yung notebook ko!!

"Sad... Hayst. Bahala na yan." Kinuha ko kay Rapmon yung notebook ko na hati.

"Tsk tsk... Rapmonnie.. lahat talaga sinisira mo." Sumulpot si Suga sa tabi ni Rapmon. Hahahaha! Nang-asar nanaman.

Tumalon talon si Rapmon.

"Ano ba hyuuung! Hindi ko naman sinasadya ehh!"

"Bilan mo nalang si Gela ng notebook sa bookstore." Sabi ni Suga habang pinapat si Rapmon sa likod.

"Mamaya? Ngayon nalang. Wala naman si Prof eh." So yeah, sumama ako kay Rapmon kasi daw ako ang papapiliin niya ng notebook. Malay niya ba daw kung ano ang gusto kong kulay, pattern, style at kung ano ano pa. Arte. Hahaha joke! Bait naman. Kung si V yun... "Kahit ano naman bagay sayo eh." Shucks ano ba itong iniisip ko?! Damit ba ang bibilin namin?! Ugh.

Nakarating kami sa bookstore then pumili na ako. "Ano ba ang type mo? Baka pwede kita tulungan." Type ko? Mabait, matapang, gwapo, madaldal, 4D, hehe joke lang. Umiling nalang ako at sinabing kaya ko na.

Nakabuntot lang siya sakin.

May nakita akong kulay Violet na galaxy ang cover. Mmm... Nice. Dyan nakatira si V ah. Hahahaha joke. Chineck ko yung papel. Oh! Ganda! Drawing notebook pala... yep. Pwede na ito. Yun na yung napili ko then binili na ni Rapmon.

Bumalik na kami sa classroom.

Si Suga, nakaupo sa upuan ko. May binabasa siya, ano kaya yun?

W-wait nakapatong lang sa upuan ko yung nakakalat na notebook kong nahati di ba? Sht marami akong sikreto na nilagay dun!!

"Suuuga! Anong binabasa mo!??" Tumakbo ako papunta sa kaniya. Sheeeeet talaga!

Tiningnan ko at...

"Hm? Masyado akong tamad magbasa. Tinago ko nalang yung may mga sulat sa bag mo. Yung drawings lang ang tinitingnan ko. Ginagaya ko nga eh. Hahaha. Maganda ba?" Tapos pinakita sakin ni Suga yung drawing niya.

Nakahinga ako ng maluwag at napaluhod.

"Panget daw." Lumapit samin si Rapmon.

"Talaga? Awww... Galing kasi ni Gela eh."

"H-Hindi! Akala ko kasi... Hahaha. Wala. Never mind. Oo, maganda Suga." Nabuhayan si Suga sa sinabi ko at patuloy nalang sa pagdrawing. Grabe, talagang kinabahan ako dun ah.

Natapos ang mga klase at hinihintay ko nalang si V dito sa lobby para umuwi. Pinilit kasi ako ng alien na sa kaniya daw ako sasabay umuwi eh.

Tagal niya naman!

A Year With My CousinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon