Dale"s POV"World war na ba?" Biglang ko sabi.
"Guys. Wag kayong excited. Nandito pa ako." Napalingon naman kaming lahat sa likod ko. Si Ceasar.
Binatukan naman ako ni Jea. "Naman Dale! Wag kang excited. Halos mabaliw ka na dyan kanina."
"Sorry naman. Ayoko lang na pati doon magkagulo. Mahirap na." At hinimas himas ko yung ulo ko.
"Naman! Kailan ba uuwi si Aya? Hindi siya tumatawag sa'tin. Kahit manlang magpost siya sa SNS niya wala." At napabuntong hininga si Jea.
Sakto namang pumasok na yung teacher namin kaya nagsiupuan na kaming lahat.
Jea's POV
Nagalakad ako ngayon sa hallway ng magisa. Iniwan ko yung mga kaibigan ko sa classroom. Ayaw ko ng sumali sa kanila sa pagiisip kung paano namin makontak si Aya.
Sinubukan ko rin kasi. Kaso wala. Dedma lang.
Nagulat naman ako ng may humarang sa harapan ko.
Si Jeffer.
"Oh? Bakit Jeffer?" Tanong ko sa kanya.
Bestfriend ko siya noong third year kami pero ngayon parang hindi na kasi iba na yung section niya.
"Nasaan si Aya? Ang tahimik na ng campus." Tanong niya sakin.
May gusto siya kay Aya noon kaso namura siya kaya naturn-off.
"Nasa Korea. Noong last two weeks lang." Sagot ko naman.
Ngumiti lang siya pero hindi parin siya umaalis sa harapan ko.
"Uhh... Sige. Alis na ako."
Lalakad na sana ako pero bigla niyang hinawakan yung dalawang kamay ko.
"Jeffer?!"
"Jea. Will you be my girlfriend?"
Huh?
Dahil sa gulat ay bigla kong nataboy yung kamay niya.
Tinitigan ko muna siya bago tumakbo paalis.
Aba. Bigla lang siyang magtatanong nyan? Di niya ba naisip na may boyfriend ako? Paano nalang kung may nakakita nun tapos ipagsasabi nila kay Xander?
"Lol. Nakita namin yun. Hahahahahhahahhahah!!!" Napalingon naman ako sa likod ko sa tumatawa.
Si Riley at Lyn.
Kinuha ni Lyn yung kamay ni Riley at ginaya yung ginawa ni Jeffer kanina.
"Jea? Will you be my girlfriend?" Ginaya niya pa yung boses at tumawa naman silang dalawa.
"Aish! Tumigil nga kayo!" Saway ko sa kanila.
"Ayaw!" Sabay nilang sabi at tumawa ulit.
"May nakakita bang iba?" Tanong ko sa kanila.
"Ewan. Sa inyo lang kasi kami nakatingin kaya di namin namalayan."
Nuapasapo naman ako sa noo ko. Paano na kapag may nakakita nun? Shoot!
"Chill. Bakla naman yung Jeffer na yun? Makapagdala lang ng paperbag, parang handbag lang ng babae. Sa braso pa talaga nilalagay." Giit ni Riley.
BINABASA MO ANG
The Fifth Rule
Teen FictionAya started the contract nung Hiniwalayan siya ng Kanyang boyfriend na si Dale. Ayun sa contract na yun ma e-expire lang yun pag nakakita na si Aya ng right guy na magpapabago sa kanyang pagiging Cuss/curse sweetheart. Paano kung sa sobrang manhid n...