Aya's POV
"Hey Ay--" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin ng kung sino man bumati sa akin.
"Shut up! Will you?!" At inirapan siya.
BV ako ngayon! Muntikan ko kasing mapatay yung harang-harang sa daan! Kita niya namang nag da-drive ako ng motor ko tapos tatanga-tanga siya! Tss! Buti nga naka-preno agad ako.
"Tss! Bitch!" Sabi niya na pabulong pero narinig ko naman.
Lumingon naman ako sa kanya.
"Me? Bitch? Atleast ako hindi social climber katulad mo!" At tinaasan ko siya ng kilay at tiningnan nang parang nandidiri sa kanya. "Sa susunod pag tinawag mo ako ng bitch, make sure na hindi fake yang sapatos, earings, bag, necklace at phone mo. Kasi halatang-halata na china-made lang." At nginitian ko siya na parang nang-aasar.
"Kay... Wala na akong masasabi. Goodbye girl! God bless you dear." Tinalikuran ko siya na parang anytime iiyak na siya.
Yes! That's me! The cuss/curse sweetheart! And i'm proud of it and I dont care what people say.
Magpapakilala muna ako.
My name is Aya Katherine Gonzales. I'm still fifteen years old. I'm not really proud of what I have like me the heiress of the Gonzales, me the daughter of the owner of the school, and me the daughter of the owner of the biggest company around Asia. Hindi po ako proud niyan! Ang kinaka-proud ko ay ang pagiging madaldalin ko at ang magkaroon ng mababait na bestfriends! Speaking of my bestfriends, asan na kaya sila.
Kaya lang ako na BV kasi october 7 ngayon. Yan yung date na hiniwalayan ako ng Ex ko na si Dale! Tss! Speaking of Dale rin, nakasalubong ko siya sa locker at tinititigan ako.
"What are you looking at freak?!" Nilapitan ko naman siya and same as always... binabara!
"You never talk without cussing or cursing people. And it still makes you look even more fiercer." At nginitian niya ako gaya ng ginagawa niya sa akin nung kami pa.
Gad! Why do I always think of his smile! Pakshet naman neto!
"Don't worry dear. I know that's a compliment but when that compliment comes from you, parang sinasabi mo lang na may chance kapa na magiging tayo ulit. But sorry dear, its still a big NO!" And sinara ko na yung locker ko at umalis na.
Ganyan kami palagi. Kinukulit niya ako na makipagbalikan sa kanya kahit ayaw ko naman. Matagal na kaya akong naka move-on! Pero hate ko lang yung october 7 na yan dahil diyan yung araw na naging proffesional tanga ako. -_-
Ewan ko ba sa kanya kung bakit atat na atat siyang makipagbalikan sa akin. Hiniwalayan na nga ako tapos ngayon makikipagbalikan. Wag na niya akung gawing tanga ulit dahil manhid na ako ngayon.
Pumunta na agad ako sa aming classroom at pumasok. Nandito na pala sina Jolly, Jessie, Jea at Jenny.
Si Jenny, Ayun nagbabasa lang ng libro. Si Jea rin ganun nagbabasa ng libro pero hindi katulad nung kay Jenny na poetry chu-chu, ang binabasa lang naman ni Jea ay yung sikat na lovestory ngayon na bagong publish lang sa bookstores. Si Jolly naman nakikipagchikahan sa aming dalawang kaklase na si Riley at Anne. At si Jessie naglalaro ng jackstone sa sulok ng room kasama si Lyn.
Umupo agad ako sa armchair ko. Yung armchair ko ay nasa may tabi ng window sa likod. Ako nga lang ang umuupo sa column na 'yon. Wala akung katabi kasi loner po ako =_="
"Alam mo bibi, may bago daw tayong classmate. Transferee siya." Sambit ni Jea na parang na i-excite. Bibi talaga yang tawag niya sa aming lima. For short daw sa bestfriend.
"Malamang transferee yun. Bagong classmate diba?" I said sarcastically
"Ang KJ mo talaga! Pasalamat ka October seven ngayon at alam namin yung rason kung bakit parang menopausal ka ngayon." At tumalikod na siya kasi pumasok na yung adviser namin.
"Good morning class." Nag sitayuan naman kami at binati rin siya ng good morning at umupo agad.
"Today may bago kayong classmate. Ceasar you may now enter." Bumukas naman yung pinto at pumasok yung bago naming classmate. Hmmm... He seems familiar.
"His name is Ceasar Khan. Please be nice to him okay? Kasi bago pa siya dito. Ceasar you will take your seat next to..." Hindi na niya pinatapos yung sasabihin ng adviser namin kasi diretsong lumakad siya papunta sa akin! At tumabi siya!
"Oh well. Since Aya, ikaw yung katabi ni Ceasar. Please help him to catch up with our lessons okay." Nag nod nalang ako.
"Okay that's all for today class. Please wait to your next subject teacher." At lumabas na siya.
"YES! Wala si Ma'am! May isang oras tayo para gawin ang gusto nating gawin!" Sigaw naman ng classmate namin at nagsitayuan na silang lahat at ginawa yung gusto nilang gawin.
Lumingon naman ako sa katabi ko.
O____O
"Ikaw yung mutik kung masagasaan kanina ah!" at tinuro-turo ko siya.
"Yep! We meet again. By the way, i'm Ceasar Rome Khan ^_^"
"And i don't care." At sinubsub ko yung mukha ko sa table ng armchair ko para matulog.
Paano kami nagkakilala? Eto flashback...
Flashback....
Shit! Late na siguro ako >.< Pinaharurut ko yung motor ko para mabilis akong makapunta ng school.
Sakto naman na hindi pa pala sirado yung gate ng school. Yes! May chance pa ako!
Pero may harang-harang pa sa daan! Shit! Preno!
Nakatingin lang siya sa akin na parang wala lang ba'ng mangyayari sa kanya. Muntik ko na siya'ng masagasaan buti nakapreno ako. Thank you lord! Mahal pa naman ang insurance ngayon.
Pagbaba ko kinuha ko agad yung helmet ko at finlip ang buhok ko. Yan maypa effects-effects pa yan! XD
Pagtingin ko sa kanya nakatulala lang siya habang tinititigan ako. Wow! Ngayon lang ako nakakita ng lalake na natulala sa tanang buhay ko.
Tulala parin siya na tumitingin sa akin. Kaya sinigawan ko na. Sayang yung beauty ko baka ma tunaw sa katitig niya.
"HOY! ANO BA ANG TINUTULALA-TULALA MO DIYAN! ALAM MO BANG HALOS MASAGASAAN NA KITA! AT NAKA PAJAMAS KA PA EH NASA LABAS KA!"
Swear nakapajamas lang siya. Ano ba'ng pakulo netong lalaki'ng eto.
Kinuha niya yung camera phone niya at pinicturan ako. Wow teh! Di lang naman ako nakapag pose!
"My Number is 09123456789. What's yours?" Tanong niya sa akin pagkatapos akung picturan.
"Shut up!" Iniwan ko siya dun at pumasok na sa school. Binigay ko yung susi sa motor ko kay guard at sinabihang siya na bahalang mag park ng motor ko.
Ang wierd naman nung lalaki na yun! Baka takas yun sa mental -_-
End of flashback...
Tumingin naman ako kay Ceasar at nakatitig siya sa akin. Ano ba 'tong kumag na 'to. Di po ako ice cream para titigan mo.
"Tumigil ka nga diyan baka masapok kita diyan!" At tinulak ko yung mukha niya pa atras.
BINABASA MO ANG
The Fifth Rule
Fiksi RemajaAya started the contract nung Hiniwalayan siya ng Kanyang boyfriend na si Dale. Ayun sa contract na yun ma e-expire lang yun pag nakakita na si Aya ng right guy na magpapabago sa kanyang pagiging Cuss/curse sweetheart. Paano kung sa sobrang manhid n...