Prologue

1K 121 74
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, place, events, location and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Be aware of typographical and grammatical errors. Dialogues in this story contains strong and foul words. In addition, this story tackles sensitive topic like abuse and death. Any resemblance to actual person living or dead or actual events is purely coincidental.

This story has many similarities with other stories or writers. And I also respect and appreciate that everyone has their own preferences and interests when it comes to reading stories. If LGBTQ stories are not your cup of tea, I completely understand. Plus, my characters are not perfect and If you do not want that kind of novel, please do not proceed. Thank you.

***


"Hoy bading! Tulog na nakshie mo, pauwi ka na ba?"

Ngumiti ako habang ka-face time si Macy. Naglalakad siya palabas ng kwarto, naka-messy bun din ang buhok niya at mukhang pagod na kakaasikaso kay Gabrielle.

"Patingin nga ako," sabi ko, agad kumunot ang noo niya.

"Ano ba teh! Kakalabas ko nga lang oh!" Natawa ako sa reklamo niya, pero agad din naman siyang bumalik sa kwarto para ipakita sa'kin si Elle. May hawak pang bote ng gatas si Elle habang nakatakip sa mata niya ang kaliwang braso.

Binaba ko rin agad ang tawag at nagsimula ng mag-drive papunta sa apartment ni Macy. Inayos ko ang mga laruan niyang na nakakalat sa sofa ni Macy. Pati na rin ang baby bottle at wipes niya ay nakakalat din. Natawa na lang ako sa hitsura ni Macy habang nagrereklamo siyang napagod daw siya kakalaro kay Gabrielle.

"Elle, let's go home na baby..." I whispered to her. Agad naman siyang nagising nang marinig ang boses ko. Kinusot niya ang mata niya't agad na ngumingiti nang makita ako.

"Uwi mi," she said and embraced me, so I stood up to lift her.

"Yes, uuwi na." sabi ko naman.

Agad akong nagpaalam kay Macy dahil nakatulog na ang bata sa balikat ko. Kiniss muna ni Macy si Gabrielle at pabiro ko itong pinunasan.

"Hoy, ang arte mo!" pagtataray niya. Natawa ako't naglakad na palabas ng apartment niya.

7 am na nang magising ako. Naglalaro si Elle ng dolls niya sa kama. We went out of the room so she could play in our living room, because I am going to prepare our breakfast. Peanut butter, bread and coffee lang ang akin. Cereal with strawberry and banana naman ang kaniya.

"Shower ka after mag-eat baby ha?" Sabi ko sa kaniya.

"Otey po mi," she said. Natawa pa ako dahil bulol niya sinabi ang 'Okay'

"Elle, it's O...kay, say it," I teach her.

"O... key," she cutely said it.

"Okay!" sabi ko ng mas mabilis.

"Otey!" Natawa ako lalo nang nabulol ulit siya.

"Finish your food na, we're going to mommy's work!" Sabi ko sa kaniya. May program kasi ang company for the children in Bahay Pag-asa. So I think mas okay na isama ko siya para rin may maging kaibigan siya roon.

Shades Of Summer Love #gxgWhere stories live. Discover now