warning: violence.
“Kris ha, ‘yung project natin bukas! Doon na lang natin gawin sa bahay!”
Tumango ako sa kaklase ko nang makalabas kami ng school. Ngumingiti siya sa ’kin at sumunod na sa mga kaibigan niyang taga ibang section. Hindi muna ako umalis ng school dahil iniintay ko ang mga kapatid ko.
“Ate, kanina ka pa?” Lumingon ako sa likod nang makita si Christine kasabay si Carl. “Ang tagal kasi magpauwi ni Ma'am Gen! Grabe, ‘yung tanong niya sa ’min, pang senior high school na! Hello?! Grade 7 pa lang tayo oh?! Buti na lang, hindi niyo sila teacher sa last subject!”
Tumitig lang ako sa kaniya, gusto kong matawa dahil kitang kita sa hitsura niya ang inis. Kambal ko si Christine, pero ang daming nagtatanong kung bakit hindi kami magkamukha. Ang dami ring nagsasabing baka ampon isa sa ’min.
“Hoy te, robot ka ba?” Hinampas niya ang balikat ko kaya napa-aray ako. Agad niya ring inalis ang kamay niya. “Hala sorry! Masakit pa ba? Marami ba? Kaya pala naka-sweater ka.”
Umiling ako. “Umuwi na tayo,” hinawakan ko ang kamay ni Carl.
“Sa susunod kasi, ‘wag mo na akuin kasalanan ko, hindi naman ako bubugbugin ni mama.” Sabi niya habang naglalakad kami.
“Ayos lang nga,” sabi ko. Totoo namang ayos lang sa ’kin. Sanay naman na ako. Parang hindi ko kakayanin kapag naranasan ni Christine at Carl ’yung ganon. Ayokong dalhin nila ’yon sa pagtanda, ayos ng ako na lang.
Maglalakad na sana kami pauwi nang may matangkad na babaeng sumulpot sa harap namin. She was staring at us, like she was about to cry. Naka puti siyang polo top, at white pants. Wavy at kulot din ang buhok nito.
“Sorry po pero, bakit po?” Hindi na napigilan ni Christine ang sarili niyang magtanong.
“Oh,” the woman chuckled. “Do you know Grace? Anak niya kayo?” She asked.
“Ano po kailangan niyo kay mama?” Tanong ko.
“I’m her... I'm her friend,” she smiled. “Sabay na kayo, tutal I want—”
“Hindi na po, maglalakad na lang po kami, kung gusto mo—”
“Ate ’wag na! Ang sakit na rin ng paa ko e,” putol ni Christine sa ’kin. “Ayos lang po ba?”
“Tine...” Suway ko.
“Yeah, of course! It’s alright!”
Wala na akong nagawa nang sumama ang dalawa kong kapatid doon sa babae. Kahit ayoko ay nagpumilit pa rin si Tine. Hindi naman kadudaduda ’yung babae, pero mahirap pa ring magtiwala, lalo na’t wala namang nakwento si mama na may kaibigan siya bukod sa mga ka-barangay namin.
Ilang minuto ang lumipas ay napansin ko namang tama ang direksyon papunta sa bahay, kaya napanatag na rin ang loob ko.
“Dagdag pahirap lang ’yang batang ’yan!”
Humigpit ang hawak ko sa palda nang marinig ko ’yon pagpasok sa loob ng bahay. Alam ko naman na ako ang tinutukoy niya.
“Ma,” tawag ko kaya napatingin sila sa ‘kin. “May bisita ho kayo.”
Pumasok si Christine at Carl kasunod nung kasama naming babae. Kitang kita sa mata ng mga magulang namin ang gulat nang makita ang kasama namin.
“Umakyat muna kayo,” utos ni Papa. “Huwag kayong lalabas hanggat wala akong sinasabi.”
Wala na akong nagawa kundi iakyat si Christine at Carl sa kwarto. Binihisan ko muna si Carl ng pambahay.
Sinundan ko nang tingin si Christine nang pumunta siya sa pintuan.
YOU ARE READING
Shades Of Summer Love #gxg
Storie d'amoreAlora had always struggled with expressing herself and connecting with others. Growing up emotionally alone, she felt like she was living in her own world. Then, fate intervened when Alora crossed paths with Gabie Rhea Suarez, a talented volleyball...