04

309 84 39
                                    

"Are you flirting with my sister?"

Tanong ni Ate kay Adam. Hindi ko kasi napansing nandito rin sila ng mga kaibigan niya sa Café, edi sana hindi na ako tumuloy! Parang naiinggit pa 'yung mga kasama niya dahil crush na crush daw nila si Adam.

"Hindi, sinamahan niya lang ako," sagot ko.

"Si Adam na 'yan beh! Huy Deia, pagsabihan mo nga 'tong kapatid mo na i-go niya na!" Tumawa silang lahat maliban sa 'kin.

"Shut up, Ingrid," natatawang sabi ni Ate. "I won't tell this to our parents, you're not kid naman na," nagpahalumbaba siya.

"Hindi nga ganon ate, sinamahan niya lang talaga ako," depensa ko. Hindi nga ako nagpasama e, sumunod lang siya. Pero hindi ko na 'yon sinabi, nakakahiya naman.

"Pero I like her po," tumingin ako kay Adam nang sabihin niya 'yon. Kilig na kilig pa 'yung mga kasama ni Ate. Nang dumating ang take out ko para kila Kate at Macy ay nag-aya na agad akong bumalik sa loob ng school.

"Next time, huwag mo nang sasabihin 'yon ha? Huwag mo na lang din ako susundan," nginitian ko siya para hindi siya mailang.

"I'm sorry," he smiled. "We're still friends pa naman 'diba?" Tanong niya. Tumango na lang ako at pinuntahan sina Macy. Tumigil agad ako sa paglalakad nang makita si Gabie. Silang tatlo na mismo ang lumapit sa 'kin.

"Akin 'to?! How sweet!" Niyakap ako ni Macy nang iabot ko sa kanila 'yung binili kong kape.

"Alora," tawag ni Gabie, pero hindi ko 'yon pinansin. Ayaw niya naman nang pansinan e, edi panindigan niya.

"Pupunta muna ako sa arts club, kailangan ko pang mag-practice," palusot ko.

Mabuti na lang at hinayaan nila akong makaalis at hindi nila ako sinundan. Naiinis pa rin ako! Nakakainis talaga siya! Pwede niya naman sabihin sa 'kin na ayaw niya lang akong kasama, kailan niya pa talagang magsinungaling!

"Alora," napatigil ako nang hawakan ni Gabie ang kamay ko nang makarating ako sa 2nd floor ng kabilang building. Hihihingal pa siya, halatang hinabol niya ako.

"Busy ako," ngumiti ako sa kaniya at agad inalis 'yung kamay niya.

"Ano, 'yung kanina-"

"Gabie!" Hindi niya natuloy 'yung sasabihin niya, dahil na sa likod niya 'yung babae kanina. "Ay..." sambit niya nang makita ako.

Nginitian ko lang siya tsaka ako umalis. Sana sinabi niya na lang na may bago siyang kaibigan! Hindi 'yung hahayaan niya pa akong tadtarin siya ng chat!

"Kainis!" Mahinang bulong ko nang makapasok sa art room.

Kinabukasan ay hindi na kami pinag-uniform, hindi naman daw kasi magkaklase ang mga teacher ngayon. Bali buong week. Nakasuot ako ngayon ng royal blue fitted shirt at white denim skirt na lagpas tuhod. Gusto ko lang sana mag-shirt at pants, pero hindi pumayag si ate kaya eto pinasuot niya sa 'kin.

Una ang art competition ngayong araw kaya nag-aayos na ako ng mga gamit na gagamitin ko dahil malapit na mag-start. Inayos ko ang canvas ko at ang mga gamitin ko sa table, habang nag-aayos ng table ng mga gustong manood sa 'min. Room lang din 'to, medyo malaki lang sa room ng arts club. Nakita ko pang tumutuong si Gabie sa pag-aayos. Nakatali ang kalahati ng buhok niya. Halos pareho pa talaga kami ng color pattern na suot ngayon! She's wearing navy blue t-shirt and white high waisted pants. May camera rin na nakasukbit sa leeg niya.

Rhea Suarez: Kaya mo 'yan! Libre kita mamaya! ^^

Hindi ako nag-reply kay Gabie nang i-chat niya ako. Hinintay lang naming mag-8:30 bago magsimula.

Shades Of Summer Love #gxgWhere stories live. Discover now