“Yey, done na! Can I taste it Mom?”
Parang batang tumakbo si ate palapit kay Mommy. Kakatapos lang nung unang batch na cookies na binake namin. Wala naman kasing work si Mommy so eto ang ginagawa namin ngayon. Isa pa, uuwi na rin si Gabie bukas kasi nakauwi na sina ate Mildred at may pasok na rin kami.
“Tikim,” sabi ni Gabie sa tabi ko kaya kumuha ako noong red velvet na gawa ko at tinapat sa bibig niya kaya kinagatan naman niya ’yon. “Yum, pwede na mag-business!”
“You think so?” I asked without looking at her.
“Yes, I think so,” sabi niya, ginagaya ang boses ko kaya sinamaan ko siya nang tingin.
Dinner na noong nakauwi si Daddy. Nagkwentuhan muna kami bago kami nanood ng movie. Hindi naman nakakatakot ’yon pero takot na takot si Gabie, halos hindi na nga siya nanood. Nakayakap lang sa bewang ko! Natatawa na lang ako kapag sumisigaw sila.
Natapos namin ’yon around 10 kaya bumalik na kami ni Gab sa kwarto ko dahil inaantok na raw siya. Nag-toothbrush muna kaming dalawa sa cr bago bumalik sa kama para matulog.
“Hey,” napatingin kami pareho sa pintuan noong kumatok si Mommy. Ngumiti lang si Gab kaya lumabas na ako para kausapin siya.
“Bakit po?” Tanong ko.
“Do you want to see your siblings?” She asked. Hindi ko inaasahang ’yon ang itatanong niya. I nodded as I played with my fingers. “Then let's celebrate your birthday with them.” Hinawakan niya ang kamay ko. “I’m so sorry, wala silang kasalanan, love... I shouldn't keep you away from them.”
“Ayos lang po, they will understand,” ngumiti ako kahit hindi ko alam kung naiintindihan talaga nila ’yon. Hindi ko alam kung naiintindihan ng mga kapatid ko ang nangyayari.
“Tell Gabie to come with us, okay?” Tumango ako. “Don't worry, I know you've been through a lot in that place. I won't take you there,” ngumiti ako noong niyakap niya ako.
“Thank you po,” I whispered.
Bumalik ako sa kwarto at humiga sa tabi ni Gab. Ngumiti ako habang nilalagay ang hibla ng buhok niya sa tenga. I ran my finger over her forehead down to her nose. Kumunot ang noo niya habang nakapikit kaya inalis ko ang kamay ko roon pero nahawakan niya.
“I’m sorry,” mahinang sabi ko. “Matulog ka na.”
“You won't?” She asked in a half-asleep tone.
Mahina akong natawa at binawi ang kamay ko sa kaniya. “I will,” umayos ako nang higa paharap sa kaniya. “Good night,” I said, staring at her before closing my eyes.
I woke up around 6 am dahil sa ingay ng alarm ni Gabie. Nakakainis, maaga naman siyang nagigising kaya hindi ko alam kung bakit lagi siyang nag-aalarm! Inis akong bumangon para patayin ’yon bago nahiga ulit at tinakip ’yung unan sa mukha ko.
“Hep,” kumunot ang noo ko nang mawala ’yon, nakapikit pa rin. “Bangon na! Good morning!” She greeted me.
“Morning, antok pa ako,” I said, still sleepy.
“Breakfast na Deigh, nagluto kami ni tita!” Masayang sabi niya.
“Aantok pa ako,” sabi ko. Naramdaman kong naupo siya sa tabi ko.
”Kumain ka na, I'll go home around 11,” she grabbed my hand to play with it.
“Why?” Nakapikit na tanong ko. “Ang aga...”
“Oh, ’diba ang aga?” She chuckled. “Bangon ka na,” dinilat ko ang aking mata at ngumiti naman siya sa ’kin kaya bumangon na ako.
Inabot ko ang suklay pero siya lang din ang nagsuklay sa buhok ko. She has a hair tie on her wrist. Kaya ’yon ang ginamit niya para maitali ang buhok ko. Nagpunta muna ako sa cr bago kami bumaba para mag-breakfast.
YOU ARE READING
Shades Of Summer Love #gxg
RomanceAlora had always struggled with expressing herself and connecting with others. Growing up emotionally alone, she felt like she was living in her own world. Then, fate intervened when Alora crossed paths with Gabie Rhea Suarez, a talented volleyball...