"Deigh! Akala ko jinojoke time mo lang akong pupunta ka!"
Pumasok ako sa loob ng bahay nila at nilapag 'yung gamit ko. Ayos na kasi kami ni Gabie, balik sa dati kahit alam kong may gusto siya. Hindi naman pala awkward! Pero nakakahiya, hehe. Lalo kapag nararamdam kong nag-iinit na ang pisngi ko!
"Alam ko na kung bakit ka pumunta bigla kahit sunday," umupo siya sa sofa kaya umupo rin ako.
"Ano?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Miss mo na ako syempre," she flipped her hair.
"Ang kapal mo! Tutulungan lang kita mag-ayos ng gamit! Kung ano-ano na pinagsasabi mo riyan!" Tanggi ko kahit totoo naman 'yung sinabi niya. Alangang umamin ako 'diba?! Nakakahiya kaya...
"Deigh, it's okay, your feelings are valid if you miss me," she smirked. "Who wouldn't miss me, right?"
"Doon ka nga," umusod ako. "Pero sabagay, sino ba namang hindi makaka-miss sayo 'diba? Syempre, miss ka na ni Mhiel... as a friend," sarkastiko kong sabi.
"Tama ka na huy, nilalagnat ka na naman," tumayo siya para buksan 'yung TV. "Diyan ka lang, liligpitin ko lang gamit ko sa taas," she said.
"Oki," I nodded, smiling.
Medyo natagalan siya sa taas kaya nanood muna ako habang iniintay siya. Inabutan pa ako ni ate Mildred ng orange juice at egg sandwich pati cookies na panigurado akong bake ni Gab.
"Alora, tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka pa ha?" She told me.
"Thank you, ate! Okay na po 'to," ngumiti ako. Aalis na sana siya sa living room kaso tinawag ko siya ulit. "Uhm... hindi po ba umuuwi mommy ni Gabie?"
"Ay hindi ba nagkukwento si Gab sa 'yo?" Tanong niya, umiling ako. Ang sabi niya lang ay hindi niya alam kung kailan uuwi mommy niya. Hala, dapat pala hindi na ako nagtanong!
"'Wag na pala ate, baka ayaw rin ipaalam ni Gabie," I smiled.
"Uhm sige," tumango siya. "Pero tignan tignan mo na lang din siya sa school ha? Naaawa na ako sa batang 'yan e, hindi 'yan nagkakakain tapos puro training pa. Magpapasko na naman nga, hindi ko alam kung makakauwi ako dahil walang kasama 'yan rito, uuwi rin sila Edna at Marta hindi ko naman pwedeng iwan lang kay Rico at Anton 'yan! Jusko naman kasi 'tong magula-"
"Nay, namalengke ka na po?" Tumigil siya sa pagkukwento dahil pababa na si Gab.
"Ay nako, oo nga pala!" Mahina siyang natawa. "Sige, uutusan ko muna si Marta! Wala na nga pala tayong stock!"
"Hindi na nay, kami na lang ni Deigh," she said.
"Ay hindi pwede! Isama niyo si Marta," sagot niya habang naglalakad. "Marta! Samahan mo muna 'tong dalawa!"
"Eto na po!"
Ngumiti ako kay Gabie nang nakaupo siya sa tabi ko. Dahil sa sinabi ni ate mildred, gusto ko tuloy siyang samahan sa pasko. Pwede naman siguro siyang matulog sa bahay 'no? Naranasan ko na kasi mag-celebrate mag-isa tuwing pasko, hindi ko alam kung matatawag bang celebrate 'yon pero ayokong magsaya ngayon kung alam kong mag-isa siya rito.
Pagtapos mag-ayos ni ate Marta ay pumunta agad kami sa grocery. Kumuha ng cart si Gabie at sabay kaming nagtulak non. Parang gusto niya pa ngang sumakay roon!
"Ay nako, tumigil ka, Gab!" Suway ni ate Marta dahil nagpupumilit talaga siyang sumakay roon!
"10 seconds?" She pouted. Umiling si ate kaya natawa ako ng binabaan niya pa 'yung oras. "Okay 5 seconds... bawal pa rin?! 2 na lang!"
"Nako, tumigil ka nga!" She laughed. Mukha siyang na-iistress sa anak niyang 5 years old. "Diyan lang kayo ha? Hahanap lang ako pang laundry roon. Gabie, umayos ka ha! Baka masira mo 'yan!"
YOU ARE READING
Shades Of Summer Love #gxg
RomanceAlora had always struggled with expressing herself and connecting with others. Growing up emotionally alone, she felt like she was living in her own world. Then, fate intervened when Alora crossed paths with Gabie Rhea Suarez, a talented volleyball...