“Huh? Naliligaw tayo?!”
Parang tangang tanong ko sa kaniya. Ligawan narinig ko, e! Baka mali lang ako, baka naliligaw talaga kami!
She let out a seductive laugh before releasing her grip on my face. Fuck! Ligawan nga? Liligawan ako nito?! As in, ako?!
I covered my mouth, trying to process mentally what she said.
“S-Seryoso?”
“What do you think? I'll let you to be my fuck buddy or my best friend with fucking benefits?” She said, I could also hear her chuckling.
Inosente ang ginawa kong pagtango dahilan para matulala siya, hindi alam kung anong reaksyon ang gagawin dahil sa sinabi ko.
“What?!” She gasped.
“Ano...” I pouted. “‘Yon akala ko e! Panay amin mo lang kasi!”
Hindi mapinta ang hitsura ni Gabie nang sabihin ko ‘yon. As if I said something funny or interesting, because she doesn't know how she will react!
“So...” She bit her lip, trying to stop herself from smiling. “You want a relationship with... me?”
“Yes- Huh?!”
“Okay, that's all I need to know,” she winked at me.
“Ano?! Baka mali lang ako nang narinig kasi nag-eenglish ka?!” Sinubukan kong pigilan ang pag-aasar niya pero ginaya niya lang ang boses at paraan nang pagkasabi ko!
Parang gago na si Gabie habang nag-didrive siya papunta sa bahay namin. Mukha siyang sirang plaka na hindi matigil kakakanta! Kung hindi siya kakanta, pagtitripan niya ako habang tulo! O, kaya, kukuhanin niya ang kamay ko para gawing mic! Minsan talaga, iniisip ko kung anong bigas ang pinakain sa kaniya sa ibang bansa!
Pero hindi ako magsisinungaling kung sasabihin kong mas masaya ako kapag kasama siya. Kapag nandito siya. Ngayon ko lang ulit naramdaman ‘tong ganito, at sa iisang tao lang.
Tinitignan ko si Gabie habang hawak niya pa rin ang kamay ko bilang mic. “I knew I loved you before I met you, I think I dreamed you into life!” Nilalaro niya na lang ang kanta, sumisisgaw pa pero maganda pa rin ang kinakalabasan!
Ang ganda niyang panooring maging masaya. At ang sarap sa pakiramdam kapag kasama ko siya.
Tumingin siya sa‘kin at sumenyas pang sabayan ko siya sa pagkanta. Tumawa lang ako at hinayaan siyang kantahin ‘yon dahil may mic naman siya. Ang kamay ko!
“Mahal kita simula pa no'ng una, sana'y mahal mo rin ako!” Tumawa ako nang hawakan niya ang baba ko noong kantahin niya ‘yung sana‘y mahal mo rin ako.
Napakasiraulo talaga! English kinakanta niya, ginawa ba namang tagalog! Eto siguro ang mga inaaral niya sa ibang bansa! Puro kalokohan!
When we arrived at the house, Nanay Sol greeted us right away. She was taken aback when she saw Gabie. At first, she didn't recognize her. Mukha raw artista!
Mabuti na lang din at nandito si Daddy! Ngayon ko lang siya naabutan! Palagi kasi siyang may work kaya kapag umuuwi ako, wala siya minsan. At maganda rin ‘yon dahil kasama ko si Gabie. Ilang taon din silang hindi nagkita dahil wala namang sinabi si Gabie sa kanila. Sa‘kin lang siya nagpaalam.
Ngayon ko lang din naisip na kaya pala parang ayaw niya akong bitawan nung gabing ‘yon. Na parang ayaw niyang umalis.
Pero, may magagawa pa ba ako? Ayan nga‘t malapit na kaming mag-2nd year college!
“Dete!” Tumakbo agad si Grayson nang makita akong naglalakad papasok ng bahay, may hawak pa siyang spiderman.
“Hi baby!” Pinantayan ko siya para halikan sa pisngi. “I have gift for you!”
YOU ARE READING
Shades Of Summer Love #gxg
RomanceAlora had always struggled with expressing herself and connecting with others. Growing up emotionally alone, she felt like she was living in her own world. Then, fate intervened when Alora crossed paths with Gabie Rhea Suarez, a talented volleyball...