I like him but he hates me.
He likes me and he hates me.
Ang gulo diba? Siguro pinaglihi lang talaga siya sa sama ng loob kaya lahat na lang hate niya. But you know what? Ewan ko kung bakit attracted ako sa kanya. It's as if siya lang yung lalaking nakikita ko. Na kapag dadaan siya biglang magso-slow motion ang paligid. Tapos para bang may maliwanag na puting ilaw na nakapaligid sa kanya. Para siyang isang...
... santo.
"EARTH TO SAOIRSE!!"
"YES?!" halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may sumigaw sa gilid ko.
Ano ba naman 'to?! Ba't kailangang sumigaw? Di naman ako bingi. Muntik ko pa tuloy matapon ang lunch box na hawak-hawak ko.
Nasa loob kasi kami ngayon ng canteen kung saan nagkukumpulan ang mga tao lalong lalo na ang mga kababaihan. Ngayong lunch break nandito ang Captains.
Oo. Captains ang tawag sa kanila dahil sila ang mga kapitan ng athlete teams ng school. Yung isa si Gimo, captain ng Soccer team. Yung isa naman si Sachi, captain ng Tennis team. And last but definitely not the very least, si Kuro, ang captain ng Basketball team.
"Girl, ano ka ba? Kanina ka pa tulala kay Kuro. Natutunaw yan" ani Maddie kaya naman napataas ang kilay ko. Ano daw?!
Di makapaniwalang napabuga ako ng hangin. Ako tulala? Di naman ah. Nakatingin lang naman ako
"Excuse me? Hindi ako tulala sa kanya 'no! Nakatingin lang" depensa ko.
"Ay sowwss! Nakatingin daw. Kanino kay Kuro?" Tanong niya.
"Hindi!"
"So ano? Alangan namang nakatingin ka kay Sachi lalong lalo na sa dyan sa kapatid kong tukmol" kontra niya.
Oo nga pala. Nakalimutan kong sabihin na magkapatid si Maddie at Gimo. Halos magkahawig sila pero morena si Maddie, mana sa mama niya habang si Gimo naman maputi kagaya ni tito.
Napangiwi na lang ko dahil sa sinabi niya. Ganun ba ako kahalata? Sana hindi.
"Ay ewan ko sa'yo," tanging sagot ko lang sabay iling. Nagmadali akong lumapit sa kinatatayuan nilang tatlo ng makita kong paalis na sila. "Excuse me, excuse me. Padaan!"
Opo, lumapit po ako sa kanila. Nakipagsiksikan ako sa mga magkakaibigang estudyante na nagkukumpulan para lang makalapit sa kanila. Rinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Maddie pero hindi ko na siya nilingon pa. Actually, iisa lang naman ang gusto kong lapitan at yun ay walang iba kundi si...
"Hi Kurooo!!!!" nakangiti kong pagbati sa kanya pero tinitigan lang niya ako. "Ahh.. kumain ka na ba? Nagdala ako ng lunch para sa'yo. Ako ang nagluto at nag-prepare nito"
Nalipat ang tingin niya sa hawak ko tas binalik niya sa mga mata ko. Bigla namang sumulpot si Maddie na naghahabol ng hininga sa gilid ko.
"Kaloka ka girl. Ang bilis mong maglakad"
"Hindi ako nagugutom," tanging sagot niya sa'kin. "Tara na, maingay dito" pang-aaya niya sa dalawa sabay lampas sa'kin.
"Ay? Di pinansin?" pang-aasar ni Gimo.
"Gimo!" suway naman ni Maddie. "Tatamaan ka sakin!"
Napayuko na lang ako. Okay, lang yan Saoirse. Baka di lang talaga siya gutom. Baka naman kumain na siya kanina o kaya naman naparami ang pagkain niya ng almusal diba? Masarap pa naman magluto si Tita. O baka may baon na siya.
YOU ARE READING
I Hate You, Love
FanfictionBilang unica iha ng pamilya De Dios, madali lang para kay Saoirse Marie De Dios na makuha lahat ng gusto niya. Halos nasa kanya na rin ang lahat, looks, wealth, family status, talent, at syempre di mawawala ang katalinuhan niya, sa iisang bagay lang...