Chapter One

15 1 10
                                    

Saoirse Marie De Dios

"THE Greeks produced a civilization that in many ways has never been surprassed in the world. Greek art is well-known throughout the world. There are four major forms of Greek art: architecture, painting, sculpture, and poetry. Of what they accomplished blah.. blah.. blah.."

"Hay kailan ba matatapos 'to?" rinig kong bulong ni Maddie. Nasa harapan ko kasi siya nakaupo.

Napabuntong hininga naman ako. Medyo boring na rin ang class kasi last subject na 'to ngayong araw. Atat na atat nang umuwi ang mga studyante. Ako rin naman atat nang umuwi. Gusto ko nang humiga sa malambot kong kama-pero teka...

"Kinain kaya ni Kuro yung binigay kong lunch?"

Sigh..

Mamaya pupuntahan ko siya sa court. I-che-check ko lang kung nakain nga niya. Baka kasi mag-over think ako na ginugutom niya ang sarili niya saka baka makasakit siya. Naku.. mag-aalala talaga ako pagnagkataon.

Hayy.. My Kuro..

*Rinnnggggg*

Tunog ng ring ng bell ang nakapagpabalik sa akin sa realidad. Dali-dali na akong nag-ayos ng gamit para makaalis na. Bigla naman akong nilingon ni Maddie.

"Saoirse, arcade tayo?" pagyayaya niya.

"May practice game si Kuro ngayon sa court. Pupunta ako dun. Alam mo na, pangmoral support" tumaas naman ang kilay niya.

"Wow ha? Girlfriend ka? May pa moral support ka pang nalalaman. Di ka naman pinapansin non," panunuya niya.

"Maddie ah, kanina ka na pa ah" Nakakasakit na siya ng damdamin. Ba't kasi kailangan niyang ulit-ulitin yun? Gusto ko lang namang i-support si Kuro eh. Para ma-feel niyang nandito ako parati para sa kanya.

"Saka, eh ano naman kung hindi niya ako pinapansin? Ang importante yung atensyon ko nasa kanya. At isa pa ako naman talaga ang para sa kanya, di niya palang nare-realize yun," lintaya ko pa sabay pasok ng huling notebook sa bag ko.

Lumabas ako ng room namin na may ngiti sa labi. Aba! Kailangang happy ako pagnakita niya ako nang sa ganon ay maging happy din siya.

"Hi Saoirse"

"Hello"

"Saoirse, uuwi ka na ba?"

"Hindi pa, Zoey"

"Sa court yan pupunta, pustahan"

"Congrats, nanalo ka sa pusta"

Nakalimutan kong sabihin sa inyo. Paymus ako dito sa school namin. Marami kasi akong kaibigan dito. Mula pagkabata talagang pala-kaibigan na ako. Gusto ko lahat kaibigan at ka-close ko. Wala kasi akong kapatid kaya siguro ganun na lang ang kagustuhan kong maging malapit sa lahat.

Ang lungkot kaya kasi kaming dalawa ng Daddy sa bahay. Yung dalawang Tito ko kasi nasa bahay nina Lolo at Lola dahil wala silang kasamang dalawa. Si Dad naman at ako lumipat dito malapit sa school ko at work place niya para di masyadong hassle sa biyahe. Halos 20 minutes lang ang lalakarin ko papunta dito sa school mula sa bahay kaya okay na rin.

Dumaan muna ako sa canteen para bumili ng tubig bago dumeretso sa court. Naabutan ko pa silang naglalaro kaya naman umupo muna ako sa bleachers para manood.

As usual may mga kababaihang nagkukumpulan sa paligid, nagche-cheer sa mga crush nila. Syempre isa sa mga naglalaro si Kuro, siya yung captain eh.

I Hate You, LoveWhere stories live. Discover now