Chapter Four

7 1 7
                                    

           INTO THE TROUBLE


Napanganga naman ako. Si Vector!! Yung Genius naming kababata din! Hahahah!

"Di nga? Kailan daw?"

"Ewan. Di pa daw sure eh"

Bumagsak naman bigla ang mga balikat ko. Di pa pala sure eh. Makabalita kala mo talagang tuloy na.

Si Vector kasi yung anak ni Tito Josh, kaibigan din ni Daddy. Nagpunta sila sa America kasi nakatanggap siya ng invitation para sa school for the gifted. Taas ng I. Q. nun eh.

Pag-alis nila ng Pilipinas, di na namin siya nakausap ulit. Pero paminsan minsan tumatawag si Tito Josh kay na Daddy, Tito Vester at Tito Ken para mangamusta.

"Miss ko na sila" bulong ko sa sarili na hindi naman narinig ng dalawang magkapatid.

"Dito na kami. Ba-bye!" ani Gimo. Nakarating na kasi sila sa likuran papuntang subdivision nila. Ako medyo malayo-layo pa.

"Sige, bye"

"Ingat! Diretso uwi, Saoirse ah!" Bilin ni Maddie. Nagtatawa ko siyang tinangguan. Para nanay magsalita.

So.. ngayon mag-isa na lang akong naglalakad.

Kaya talaga gusto kong may kapatid ako eh. Ang hirap kapag mag-isa lang na ganito.

Hindi rin naman ako makapagreklamo kay Daddy. Alam ko namang ginagawa nun ang lahat simula noon hanggang ngayon para sa ikagaganda ng buhay ko.

"Hayy.. nakoo.. ang tahimik na"

Halos nagtatakip-silim na nang makauwi ako sa bahay. Bigla naman akong napatakbo papasok nang makita ko ang pamilyar na kotse na naka-park sa garage.

Di ako pwedeng magkamali. Memoryado ko kahit ang plate number ng kotse yun. Pagpasok na pagpasok ko sa pinto nakita ko kaagad siya.

"WOWA GEMMMAAAA!!" Sigaw ko sa tuwa. Dali-dali akong tumakbo at niyakap siya ng mahigpit.

"Ang apo ko! Ang laki-laki mo na! Ang ganda-ganda mo pa!" Sabi niya pagkakalas niya sa yakap ko. Kaya paborito ko 'tong si Wowa Gemma eh! Siya lang naman yung nagko-complement sa'kin. Yung iba inaapi-api na ako.

Lalo na yang si Kuro! Madilim yata paningin ng lalaking yun! Di niya ako makita-kita! Hmp!

"Ay! Ang ingay na nila" bigla namang kumento ni Tito Yani habang naglalapag ng pagkain sa Mesa. Naks! Masarap hapunan ko ngayon! Hahhaha!

"Ba't ka po napadalaw?" tanong ko kay Wowa Gemma. Di ko na pinansin si Tito.

"Wala daw Daddy mo ngayon. Kaya pumunta ako dito para masolo ang apo ko!" Sagot niya. Niyakap niya ako ulit kaya naman napahagikhik ako. Biglang nawala yung lungkot na nararamdaman ko kanina.

Nang gabing yun. Kumain ako at natulog nang may ngiti sa labi. Di ko na nagawang isipin yung bagay na iniisip ko kanina. Basta sa ngayon ang mahalaga, kasama ko muna si Wowa Gemma.








*KINABUKASAN*



"SIT DOWN STRAIGHT!"

Halos mapatalon kaming lahat sa gulat nang padabog na binagsak ni Ma'am yung mga libro niya sa Teacher's Table. Si Miss Pakundangan, yung matandang virgin naming teachers sa science. Yung Terror.

Opo, tama po narinig ninyo. Matandang dalaga si Ma'am. Sa kanya lang naman kami takot eh. Sa lahat kasi ng mga teachers namin siya lang yung pinakanakakatakot ang mukha—este yung mata. Nanlilisik po yung mga mata niya.

I Hate You, LoveWhere stories live. Discover now