Chapter Three

7 0 9
                                    

               GIRLFRIEND PT.2




PAGkatapos nung pagpapakilala ng Girlfriend ni Kuro kanina bigla akong nawalan ng gana. Lalaban pa ba ako? Gusto ko pa sanang lumaban pa. Eh kaso mukhang talo na ako eh. Official na sila. Compare to me? Self-proclaimed lang naman ako.

Wag nga kasing magcompare Saoirse! Tigas ng ulo eh.

"Huhuhuhu! Mommy ano nang gagawin ko??" tanong ko habang nakadapa sa kama ko, hawak-hawak ang picture frame ni Mommy.

Ganito ako parati. Nagkukunwaring kinakausap si Mommy. Mula bata ganito na ang hobby ko. Sabi naman kasi ni Daddy naririnig naman daw ako ni Mommy eh. Nasanay lang akong ganito ang ginagawa ko kapag may problema ako. It gives me a sense of comfort. Yung feeling na parang kasama ko lang si Mommy.

Nasa bahay na po ako ngayon. Ang uneventful naman kasi ng school day ngayon. Nandito parin si tito Yani sa bahay, stay in daw muna siya ng mga ilang weeks. Si Daddy kasi may business trip. May kikitain daw siyang potential investors. Kanina lang nagpaalam sa akin yun. Pagkadating ko galing school saka lang siya umalis.

"Hayy.. Kuro naman kasi eh! Ba't ka pa naghanap ng iba? Nandito naman ako ah? Si tita mabait sa akin! Si tito kahit tahimik lang yun minsan pero parang tatay ko na rin yun maka-asa pag nag-aaway tayo, mas kinakampihan pa nga ako nun keysa sa'yo eh" Kausap ko sa sarili ko. Kunwari kausap ko si Kuro.

"Ginagawa mo lang mahirap para satin ang lahat Kuro. Nandito ako—"

"Umiibig sa'yo ~~
Kahit na, nagdurugo ang puso~~"

"Ay palakang blue!" Bulalas ko nang biglang pumasok si Tito Yani sa kwarto ko.

Shocks! Narinig niya ba yung sinabi ko kanina? Wag naman sana, Please? Sana hindi!

"Ano'ng palaka? Maka-palaka 'tong batang 'to. Mukha b akong palaka?" nakanguso niyang ani.

"Tito naman kasi eh! Ba't pumapasok ka po bigla nang walang katok?" sagot ko naman.

"Kakain na kasi tayo 'no? Tumawag na po yung Daddy mo. Napagalitan na po ako, ano'ng oras na daw ba't di pa nakakakain ang baby niya?" Natawa na lang ako sa kanya.

Si Daddy talaga kahit kailan kung ituring ako parang baby. Hindi naman ako nagrereklamo. Kahit sina Wowa Gemma ganun din turing sa'kin. Hayy.. Kailan kaya ako makakapunta sa kanila ulit? Miss ko na sila.

"Kausap mo Mommy mo?" Bigla akong nabalik sa realidad nang tanungin ako ni Tito. Nakatingin siya sa hawak kong picture frame.

"Opo eh," sagot ko naman. Umupo siya sa tabi ko umusog naman ako ng konti para magkaroon siya ng kumportableng pwesto.

"Patingin nga?" Inabot ko sa kanya ang picture frame ni Mommy. Tinignan niya naman ito sandali tapos tumingin siya sa akin tas pabalik ulit sa picture. Kumunot na noo ko. Problema nito?

"De Dios ka nga talaga. Malapad noo mo eh"

Ang sama!

"Hahaha! Biro lang" bawi naman niya. "Alam mo ba? Noon, nang malaman naming buntis yung Mommy mo medyo nagalit yung Wowa Gemma mo?" Bigla akong napaisip sa sinabi niya. Alam ko na 'tungkol dito.

"Nakwento nga po ni Daddy noon"

"Tas sinabi niya ang babata pa daw nila ng Daddy mo"

"Wala pa nga po daw stable na trabaho si Daddy noon. Tas kaka-graduate lang ni Mommy"

"They never really planned it though. Basta na lang nangyari na nasa sinapupunan ka na niya. But I think it was a blessing in disguise, Kasi alam mo? Ang laki ng pinagbago ng Daddy mo," Nakikinig lang ako sa kanya habang nagkukwento siya. "Kung dati kahit malaki na baby boy parin ang ugali niya nung dumating ka ayaw na niyang bini-baby siya. Mas naging responsable siya. Nung una ayaw pa ni Mama sa'yo kahit di ka pa pinapanganak, kahit wala na siyang magagawa kasi nand'yan ka na. Pero nung lumabas ka? Ayaw ka niyang bitawan. Gusto niyang siya lagi ang nagpapatahan sa'yo kapag umiiyak ka. Ni ayaw ka nang ibigay sa Daddy mo eh," dagdag niya pa. Natawa naman ako.

I Hate You, LoveWhere stories live. Discover now