Chapter Five

6 1 7
                                    

INTO TROUBLE PT.2



"Oh, magmeryenda muna kayo"

Mula sa pagbabasa ng libro, napaangat ang tingin ko kay Tito Vester. Nila pag niya ang isang plato na puno ng donut sa tabi namin. May kasama pang dalawang baso ng juice.

Nandito ako ngayon sa bahay nila Maddie. Sinundo nila ako kanina para dito na lang gawin ang report namin. Laking pasasalamat ko nga at si Tito mismo ang sumundo sa akin kasi kung si Maddie lang? Nakow! Di papayag si Wowa, bonding time daw kasi dapat namin eh. Ngayon silang tatlo nila Daddy at Tito Yani ang naiwan dun sa bahay. Actually, nandito kami sa harapan ng bahay nila tito Vester.

Bale yung bahay nila, kapag pumasok ka sa gate, unang sasalubong sayo ay yung garden. Di naman gaano ka lawak yung lawn area nila. Sakto lang para makapagtanim ng iilang puno at bushes. Dito kami pumwesto sa ilalim ng puno para hindi mainit. Maganda din dito kasi presko saka mahangin. Mas makakapag-focus kami.

"Salamat pa," sagot ni Maddie sa kanya. Nakaupo siya sa harap ng laptop, siya yung gumagawa ng visuals namin habang ako naman sa content. Maya-maya magpapalit naman kami, ako sa visuals tapos siya sa content.

"Salamat po, Tito"

Actually, dinala ko talaga tong donut kanina. Ito pa yata yung tira ng pasalubong ni Daddy kagabi. Di namin maubos kasi naman! Tatlong barkada bundle yung binili niya. Shockables! Gusto na po yatang nagka-diabeties.

"Ba't parang andami niyo yatang mga ginagawa ngayon?" Biglang tanong niya sa amin. "Diba dapat nagsisimula na kayong mag-review para sa Battle of the Brains? Tapos yun pang Student Committee Club dapat naghahanda na para sa after celebration ng intrams? Ay! Ang dami niyo palang gagawin no? Di ba kayo patayin ng school niyo?" biro niya pa.

Malakas na napabuntong hininga si Maddie. Sumandal siya sa backrest ng upuan niya at tumingala sa langit. "Kapag ako talaga nahimatay dahil sa ginagawa ng school natin? Sila ang una kong ililibing ng buhay" reklamo niya.

"Tas dumagdag pa 'tong si Miss Pakundangan," dagdag niya pa.

"Tsk! Tsk! Tsk! Ganyan talaga basta estudyante Maddie. Maraming iisipin sa pag-aaral," ani Tito Vester. "Para din naman sa future niyo 'to. Alam niyo na, para pagtanda ninyo hindi lang kayo nakadepende sa mga maiiwan namin sa inyo," paalala niya. Bigla namang napakunot ang noo ni Maddie.

"Eh bakit yung ibang estudyante! Minsan lang kung pumasok pero mataas parin ang grades na nakukuha?!" Pagra-rant niya. Bago pa man makasagot si Tito Vester biglang may pamilyar na boses na sumingit sa usapan.

"Are you talking about me?"

Sabay kaming napalingon at shockables!! Halos malaglag ang panga ko nang makilala kung sino ang lalaking nakatayo ngayon sa harapan namin. He's wearing a black business suit. Matangkad, matangos ang ilong, may kissable lips at higit sa lahat MO.RE.NO.

"Uy! Ken! Akala ko bukas pa uwi mo?" Gulat na tanong sa kanya ni Tito Vester.

Yup po. Opo. Nag-iisang Ken Suson ang nasa harap namin ngayon. Kagaya namin malamang lang na isa din siyang estudyante noon. Estudyanteng minsan lang naman pumasok pero mataas parin ang nakukuhang grade. Hayy.. talk about stuffed knowledge. How to be you po?

Lumapit sa kanya si Tito Vester at nakipaghand shake. Di ko alam kung bakit nila yan ginagawa actually. For formalities yata. Formalities daw eh ang casual nila mag-usap.

Napasilip naman ako sa likuran ni Tito Ken. Hindi naman sa meron akong hinahanap pero baka naman kasi meron siya kasama diba? Hindi nan sa sinasabi kong si Kuro pero baka lang naman. Naalala ko, ilang araw ko na ba siyang hindi nakikita?

I Hate You, LoveWhere stories live. Discover now