Girl Friend
"HINdi ako makapaniwala!" sigaw ko. "Paano nangyari to?! Paanong wala man lang akong alam?!" todong iyak ko.
So totoo nga?! Totoong may nililigawan si Kuro at ngayon girlfriend na niya! For those three years wala man lang akong kaalam-alam?!
Huhuhuhu! Mabuti na lang talaga at recess break namin ngayon. Walang teacher.
"Tahan na, Saoirse. Nakakahiya sa classmates natin," pang-aalo ni Maddie. na naka-upo lang sa harapan ko.
Nandito kasi ako ngayon sa classroom namin. Actually, kanina ko pa gustong iyakan 'tong si Maddie kaso may class eh kaya kailangan kong i-postpone muna 'tong luha ko.
"Like, 3 years niyang niligawan! So for three years wala akong kalalam-alam na may iba siyang gusto?! Ni hindi niya man lang sinabi sa akin?"
"Girl, kung sasabihin niya sa'yo makikinig ka ba? Kung makinig ka man, maniniwala ka kaya?" sagot niya sa akin.
Well...
Tama naman siya dun. Siguro..?? Pero paano ko malalaman kung totoo o hindi gayong di naman niya sinabi!!
"Alam mo, Saoirse?"
"Malamang hindi pa" Tinitigan niya ako ng masama bago niya 'ko inirapan. Pinahid ko naman ang luha ko.
"Baka naman kasi hindi mo siya "gusto" Baka naman kasi gusto mo lang siyang maging kaibigan"
Bigla akong napahinto dahil sa sinabi niya. Gusto lang maging kaibigan si Kuro? Paano nangyari yun? Mula pagkabata gusto ko nang makuha ang atensyon niya. Sabi ni Daddy kapag daw ganun crush daw ang tawag dun. Kapag daw crush mo yung isang tao, may gusto ka sa kanya.
"Ehhh?" Ang gulo.
"Knowing you, gusto mong maging kaibigan lahat ng tao and knowing Kuro? Ayaw nun sa mga maiingay at makulit na kagaya mo. Sa t'wing lumalapit ka lumalayo siya kaya sa kakahabol mo sa kanya, inakala mo na gusto mo siya. You were stuck with an idea na may gusto ka sa kanya. Mula pagkabata ganun na," lintaya niya. "Pero yung totoo, gusto mo lang siyang maging kaibigan" dagdag niya pa.
Gusto ko lang maging kaibigan si Kuro? Ganun ba talaga yun?
"Pero sabi ni Daddy kapag daw gusto mong makasama parati ang isang tao, crush daw yun. Tapos kapag matagal na crush mo yung tao, gusto mo na siya. Kasi sa magle-level up na yung feels"
Yun yung sabi ni Daddy eh. Naalala ko nakangiti pa siya nun, naalala yata si Mommy.
"Well, sabi ng mama ko saken yung crush, admiration lang yun. You admire Kuro. That's all!"
Napanguso na lang ako. Sabi na eh! Mali mali yung turo ni Daddy sa akin noon. Dapat talaga kay Tito Yani na lang ako nagpaturo. O kaya naman kay lola. O kay mama ni Maddie. Si Daddy kasi kung ano-anong sinasabi noon yan tuloy ang gulo.
Hayy.. ang hirap talaga pag walang Mommy.
"Oh ano? Tapos ka nang mag-emote dyan? Pwede na tayong bumili ng Pagkain?" Kahit nakanguso parin ako, tinanggihan ko na lang siya.
Well, nagugutom na rin ako. Hindi ko naman siguro makikita sina Kuro at yung girl na pakalat-kalat diba? Sana lang talaga hindi. Baka maiyak lang ako dun sa harap ng maraming tao.
Naka-akbay si Maddie sa akin habang naglalakad kami papunta sa canteen. Parang tangang tulala naman ako. Siya na lang yung nag-order para sa aming dalawa habang ako naman yung naghanap ng table na pwede naming upuan.
YOU ARE READING
I Hate You, Love
FanfictionBilang unica iha ng pamilya De Dios, madali lang para kay Saoirse Marie De Dios na makuha lahat ng gusto niya. Halos nasa kanya na rin ang lahat, looks, wealth, family status, talent, at syempre di mawawala ang katalinuhan niya, sa iisang bagay lang...