Prologue

935 38 16
                                    

"You need to audition for this. If you will, then mommy will buy you a toy." Bulong sa akin ni mama. I was inside a studio. Cameras surrounding me. A lot of crews walking around me.



"Go on," Tinulak ako ni mama papunta sa gitna. She was clapping her hands. "Go, Jav! Go!" She repeated. I had no idea as to what I was doing. Nakataas ang kilay ko habang papunta sa gitna.



"Hello, kindly introduce yourself," Mahinahong sabi ng babae sa harapan ko. Maraming mga judges yung nasa tabi niya at lahat sila ay nakatingin sa akin. Tinignan ko nang mabilisan si mama at sinesenyasan niya akong magsimula na.



"Hello everyone. I am Javion Mikael Pacheco, 8 years old." Sinubukan kong ngumiti kahit sobrang kabado na ako. Napatawa ang mga judges sa mahinhin kong boses. "Right, Javion. Can you act for us?" Sabi nito ulit. Hindi ko alam ang sinasabi niya.



I looked at my mom again and she was staring at me so deeply. Kita ko ang kamao niya at ang kanyang mga daliri na handa nang kumurot sa akin. She's far from me now yet I can feel the pain of her pinches. Tears started falling when I remembered the pain.



"There! He's crying!" Sabi nung babae. "Good job, goob job!" Sambit nito ulit.



Good job?



I'm crying because of my mom... and you're telling me that I'm doing a good job?



"How about you show us how it is to feel happy now?" Tanong nito ulit. Mabilisan kong pinunasan ang mga luha ko at nagsimulang mag-isip ng magagandang pangyayari sa buhay ko.



Pero ang tanong,



Meron nga ba?



One memory flashed into my mind.



It was during my 8th birthday, when my dad spent his day with me.



I miss him so much. But he can't be with me.



That was the happiest day of my life and so I smiled so quickly. They gave me certain scenarios and I was able to do it properly because of that memory of mine.



"He's good," Narinig kong bulong ng babae sa katabi niya. "Thank you, Javion! We will call you back in the next few days, okay? Tell that to your mama!" Nginitian ako nito. Wala akong naiintindihan sa sinasabi niya at agad nang tumakbo papunta kay mama.



Niyakap niya ako.



Niyakap ako.... ng mama ko. 



"Good job, my Jav!" Sigaw nito. Nagsisitalon siya at kinarga niya ako kahit medyo mabigat na ako. "As promised, mama will buy you that toy!"



That was where it all began. That was when my life turned into a fairy tale...



Then nightmare.



"Remember this toy?" I heard her walk towards my room. Kakagaling lang niya sa paglilinis ng storage room namin. She was holding a teddy bear. "Stupid toy," Sambit niya sabay bato sa akin ng teddy bear.



Tinignan ko ito. Sobrang luma na. "Kung alam ko lang na magiging ganyan ka ngayon, edi sana hindi ko na binili 'yan para sa'yo."



"You bought this for me because I did well before-"



"Bakit before lang?! Dapat hanggang ngayon!" Sigaw nito. Sobrang galit niya at tumataas ang kanyang mga kilay. "For all the workshops na pinasalihan ko sa'yo, wala kang natutunan? Ganyan ka ba kabobo?"



Napalunok ako ng laway ko sa kaba. Maya-maya ay nanunuyo na ang aking lalamunan sa kaba. "Maghahangad ka pa talaga ng main lead sa lagay mong 'yan, ah?" Tinawanan niya ako. "Isang kahihiyan."



Tumayo siya at naglakad papalapit sa pintuan. "If you continue being like that, walang susuporta sa'yo. Maiiwanan ka. Iiwan ka ng lahat. Walang matitira para sa'yo."



She slammed the door upon going out and that was when all my tears fell down. Hindi ko na kaya.



I don't belong here.



I don't belong in this industry.



She's right. Wala akong kwenta. Hindi ako magaling.



Pero yung sinabi niya na iiwanan ako ng lahat?



Doon siya nagkakamali.



Bumaliktad man ang mundo, matunaw man lahat ng mga yelo, pumuti man ang buhok ko, maubos man lahat ng luha ko sa pag-arte...



Alam kong nandun pa rin siya.



Kinuha ko ang cellphone ko at tumambad sa akin ang mga masasayang balita.



Nandito pa siya. Hindi pa niya ako iniiwan.



My mom will never be right.





I won't get abandoned.





Because I have her.




I have Natalia Yoon, my greatest fan.

Tagahanga (Cosmos Series #1)Where stories live. Discover now