Natalia
"Why did you have to do that for a guy?" Ika seriously asked me. Despite her young age, she's really strict when it comes to violations. "He's not just a guy, noh. Alam mo naman kung gaano ko siya sinusuportahan,"
"But he doesn't even know you,"
I know, right. "So? Should I stop just because of that?"
'What I'm telling you is that... you have your own life too, ate. Hindi naman pwedeng palaging siya nalang inaasikaso mo. Look at yourself. Napapahamak ka dahil sa mga ginagawa mo para sa kanya. You might end up losing yourself because of him,"
"Anika." I held her hand. "Do you find me weak? Alam ko ginagawa ko. Nagkasablay nga lang. Pero magiging okay din yan!" Nginitian ko siya. It was hard for me too. Hindi ako yung tipong nagkakasanction pero nung tumatanda na ako, I started breaking the rules.
For him.
Wala lang. I just really want to support him. Kapag may mall shows. Kapag may mga variety shows. Ang hirap kasing tignan siyang malungkot kapag walang nandon para sa kanya.
I started cleaning. Una kong pinuntahan yung garden. Akala ko talaga malinis lang dun kasi tambayan lang naman 'yon o di kaya lugar para mag munimuni. Kaso mali ako. Sobrang dumi.
"May basurahan naman. Di ba sila marunong magtapon man lang?" Bulong ko sa sarili ko. I hate people who are like this. Palagi nalang nagrerely sa mga janitor sa school. Initiative na sana nila 'yon na kung may dumi sila, edi sila yung lilinis.
Bumisita pa sa akin si Tori saglit. Ganon pa rin, tinutukso ako kasi nagkasanction raw ako. Ganyan ata talaga yung role niya sa buhay ko.
Ilang oras din akong naglinis at nung natapos na ako, dumiretso na ako sa C.R. para maghugas ng kamay. May dalawang araw pa ako for sanctions pero mabilis din yun. Hindi ko na yun mapapansin.
Pagkabalik ko dun sa bench, may nakita akong pagkain. Hindi naman ako bumili, pero bakit merong ganito?
Napansin ko yung munting sticky note na nakalagay sa lalagyan. Pagkakuha ko, nagulat ako sa nabasa ko.
"Natalia Yoon, you did well today."
Ey.
Prank ba 'to?
The handwriting was somehow familiar to me. I couldn't really figure out kanino 'to. Medyo common kasi yung sulat-kamay. Hindi nalang ako nag-isip pa. Baka prinank lang ako ng mga kaibigan ko. Nonetheless, the sticky note and the food cheered me up.
Pagkauwi ko, dumiretso na agad ako sa kwarto at nagcellphone. Sa Twitter agad yung punta ko. Syempre, abang-abang baka magpost si Jav. Last year pa post nito eh.
Habang nagsscroll, may isang thread akong nabasa. Sobrang daming interactions kaya nakuha rin nito yung atensyon ko.
"Unpopular Opinion: Javion Pachecho doesn't really act that well and that explains why he still isn't big even after being in the industry for so long."
Tangina.
Sino bang nagpa-uso sa trend na 'to?
I really wanted his name to be in the spotlight. I wanted his name to be known. Pero tangina.

YOU ARE READING
Tagahanga (Cosmos Series #1)
RomanceCOSMOS SERIES #1 Javion Mikael Pacheco's life has always been going down hill. Broken family. Strict mother. Lack of appreciation. And most of all, a failing career. Even after being in the industry for 10 years, Javion finds himself being just an e...