02

231 18 5
                                    

Jav


"Eat your meal," Dala-dala ni mama yung tray. "Eat,"


Hindi ako kumibo. I just stared at the food so deeply. I'm still so pale at wala pa akong gana.


"You will faint again if you keep on doing that." Seryoso siyang nakatingin sa akin. "May audition ka pa bukas-"


"Can't I just rest? I'm so tired," I straight up answered her. As expected, she glared at me. "Hindi ka pa nga natatanggap sa audition, pagod ka na agad?"


"Ayun na nga eh. Hindi ako natatanggap. Sino bang hindi mapapagod 'don?"



She sighed.



"I'm here for you, Jav. I'm here for you. Why can't you see that?"


You're here for me?


Kung may tao mang nandito para sa akin, hindi ikaw 'yon.


It is Lia.


I wonder how she's doing after that night. I wonder if she heard what I said. I wonder if she knows that what I said was serious. I wonder what will happen if I didn't lose consciousness that night. I wonder what will happen if I just ate properly instead of being a rebel because my fan signing was canceled.


I wonder.


I had no choice. I still went to that audition kahit pagod na ako. Kahit matamlay pa ako. Kahit nanghihina pa yung katawan ko. I'm not expecting a wonderful result.


As soon as I went out of the studio, nakita ko si mama. Nakaupo siya, umiiyak. "How about my money?!" She shouted.


I heard her say something about money and that was when I knew why she was crying. Money...


The money she spent for me.


Na-scam ka na naman ba, ma?


'Call that director! I told him to include Javion! Nagbayad ako. Nagbayad ako kaagad!" I heard her scream. I wanted her to shut up. Her voice could be heard. 


I'm embarassed to let other people know that I only get those roles because my mom bribes the crews. The directors.


Bakit... ko kailangan humantong sa ganito?


I want to be accepted because of my talent. I want to be accepted kasi magaling ako. 


But she had no other choice but to use money as a weapon. And there she is, getting scammed. Hindi lang 'to yung unang beses. Sobrang daming beses na. Palagi lang kami niloloko tas yung dahilan? Kasi chinange daw yung concept ng pelikula. Kasi nagbawas daw ng characters. Kasi binago daw yung storyline.


Ganyan nalang palagi.


Pwede namang diretsuhin nalang nila. Pwede namang sabihing...


Ayaw lang talaga nila ako.


Sometimes I wonder, ano bang pakiramdam nung isa ka lang simpleng tao? Yung nag-aaral lang. Yung nakikipaglaro sa mga kaedad mo. Yung natutulog, nagcecellphone, kumakain. Yung ganon lang.



Hindi yung araw-araw ka mag-aaudition. Yung araw-araw kang binabantayan ng manager mo. Yung araw-araw kailangan mo maging isang perpektong tao.


Ayoko nito.


Ayoko na dito.


Ayaw ko naman talaga dito.



I went home and got my requirements secretly. Pumasok ako sa office ni mama at kinuha yung mga records ko sa school. I was always homeschooled. Nakakatawa. Yung homeschool para lang naman 'yan sa mga artistang puno yung schedule. Para sa mga walang oras na pumasok.




Pero ako? I can do that all. Sobrang luwag ng schedule ko. I can easily go to school. She purporsely had me homeschooled just to live up to that "artist life." 




I went to Lia's school. Not because she's here but because this is my dream school too. Gusto ko lang talaga ng simpleng buhay. Ganon lang talaga.




I didn't even need to cover my face. No one recognizes me here. Walang nagpapapicture. Walang nakaabang sa corridor. Walang nagkakagulo.



While I was passing my requirements, I saw a familiar face near the garden. Her hair was messy. Her hands were dirty, too.




Lia.




What is she doing?




Nagliligpit siya ng mga basura. Nagwawalis. Is she doing a service?



Did she do something bad?




"Ayan, cutting pa!" I heard someone scream from her back. Ngumisi ito sa kanya at inirapan niya ito kaagad. "Nagcutting na nga, hindi pa natuloy yung fansign!" Sambit nito ulit. "Tumigil ka nga!" Sumigaw siya at itinaas yung walis. Tila binabantaan niya yung kaibigan niya na huwag nang magsalita para hindi niya ito mahagisan ng walis.





"So ano pang mangyayari sa'yo dahil sa sanction mo?"





"Ayun, hindi ako makakapag-take nung ibang test natin."




The heck.





"Grabe naman! Cutting lang naman 'yon!"




"Masama yun. Masama yung ginawa ko,"




Lia, alam mo naman palang masama. Bakit mo pa ginawa? "Pero gusto ko kasi talagang makita si Jav. Tsaka may kutob na kasi ako na konti lang yung pupunta... baka mapanghinaan siya ng loob kung pati ako wala dun,"





"Tama ka nga. Walang pumunta."




Ikaw lang inantay ko, Lia.




"Kasi naman yung guard eh! Palaging nakabantay nang maigi. Nahirapan tuloy akong makalabas. Kaya ayun, nahuli ako sa fan sign. Sayang talaga,"



I should've waited longer.




"Balik ka na sa classroom mo, Tori. Malapit na matapos lunch break." Tinulak niya ito. Nagtatawanan pa sila. "Hindi ka ba kakain?"



"Hindi na! Ang daming basura dito. Ito oh, touch my hands!' 



Lumayo agad si Tori sa kanya. Nag-alcohol pa.



Nung umalis na si Tori, naiwan si Lia sa garden. Nililinis niya pa yung natirang mga basura. Ang dami namang hindi marunong magtapon ng basura dito. Siya pa tuloy nahihirapan. 




Kitang-kita ko sa mukha niya yung pagod. Kaya yung ginawa ko, dumiretso ako sa canteen at binilhan siya ng pagkain. Tsaka tubig.



Maliit lang na bagay pero kailangan niya 'to. Hindi ganon kadami yung nabili ko kasi kailangan kong bilisan. Baka makita niya pa ako.



Nung papunta na ako sa garden para ilapag yung mga pagkain, nakita ko siyang papunta sa C.R.  Maghuhugas na ata siya ng kamay niya.



Agaran kong inilagay yung mga pagkain sa bench. Tingin nang tingin pa ako sa kanya para masiguradong hindi niya ako maaabutan dito.



Nakakahiya kasi.




Hindi pa ako handang magpakita sa kanya.



Wala pa akong mukhang maihaharap.



Bago tuluyang umalis, kinuha ko muna yung sticky note na nandito sa envelope ko. Kumuha rin ako ng ballpen.



Nagsulat ako ng message para sa kanya bago umalis at idinikit ito sa styrofoam na nilalagyan ng pagkain niya.


"Natalia Yoon, you did well today."

Tagahanga (Cosmos Series #1)Where stories live. Discover now