01

374 21 7
                                    

Natalia Yoon


"Nag cutting class ka na naman?!" Sigaw ni mama sa akin pagkalabas namin sa guidance office. "Ilang beses mo nang ginawa 'to?" 



Napakamot ako sa ulo ko. Nahuli na naman ako. Kapagod. "Saan ka na naman ba pumunta?"



Hindi ko kaagad masagot si mama. Baka kasi pag sinabihan ko siya ay mas magagalit lang siya sa akin. "Natalia, sagot,"



"Kasi po..."



"Kasi nagpunta ka na naman sa taping ng Javion na 'yon?"



Ayan. Nahuli na. "Uy! Hindi lang kaya taping 'yon ma. Nag fansigning kasi siya!"



"Fansigning? Sige, asan yung pirma niya? Ipakita mo sa akin,"



Napilitan akong ngumiti sa sinabi niya. Wala akong maipapakita eh.



Kasi hindi natuloy yung fansigning...



"Ma'am. Sorry po kaso canceled daw po eh." Pinigilan ako ng guard sa pagpasok. Napataas ako ng kilay at nagreklamo. Ito pa naman sana yung first ever fansigning ni Jav. "Meron na nga po akong ticket oh!" Paglaban ko. "Bakit naman po canceled?"



"Kulang po ng audience. Lugi raw sila,"



Ang damot talaga. Palaging pera nalang iniisip. "Asan po si Jav?"



"Ija, hindi ko masasagot 'yan. Guard lang ako dito."



Wala akong ibang magagawa kundi ang bumalik nalang sa school. Tumakas pa ako kasi 1:00 p.m. daw sana yung fansign. Scam lang pala.



Natauhan ako nung bigla akong niyugyog ni mama. "Ano ba! Asan yung pirma?"



"Ay, secret! Para sa akin lang 'to," Pagsisinungaling ko. Lumipas din ang galit ni mama at inanyayahan na niya akong umuwi.



Pagkadating na pagkadating ko sa bahay, dumiretso na ako sa kusina. Tinawag ko rin yung kapatid kong si Ika para tulungan ako sa gagawin ko.



It is November 15. I need to bake a cake for him.



"He won't even see this," Sabi ni Ika. She's too young. 12 years old at this time. "Wala ka pa kasing alam,"



"Magiging dalaga nalang ako pero ikaw hindi pa rin nakakamove-on sa 8 year old self mo," Biniro niya ako. She always makes fun of me. Unang beses ko kasing nakita si Jav sa TV nung 8 years old ako. During my birthday. Pinanood ko yung first ever movie niya sa sala while waiting for it to be 12 midnight.



I ended up liking him as an actor.



Now...



I don't even know how I feel anymore.



"Saan mo ipapadala 'yan, ate?"



"Hindi ko alam. Hindi ko naman alam bahay nila. Hindi naman ako stalker,"



Agaran niyang nilapitan yung cake at muntikan nang galawin yung icing. "Anika, ano ba!"



"Kainin nalang natin. Hindi mo naman pala maibibigay sa kanya."



Umiling ako at tinaboy siya. "Alis na nga dito. May pupuntahan ako,"



Agaran akong lumabas at sumakay ng taxi. Ayoko na kasing guluhin pa si mama. Pinayagan niya naman akong lumabas kahit medyo madilim na.



Tagahanga (Cosmos Series #1)Where stories live. Discover now