NAKANGITING ibinaba ni Borj ang telepono. Katatapos lang niyang makipag-usap kay Roni. Niyaya niyang sumama ito sa panonood ng concert.
Hindi naman nagdalawang-isip ito na paunlakan siya.
Napaangat siya ng tingin nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Dire-diretsong pumasok sa loob si Trisha, nakasunod dito ang kanyang sekretarya.
"Sir, I'm sorry. Sinabi ko na ho sa kanya na hindi kayo puwedeng istorbuhin ngayon pero nagpumilit pa rin ho siyang pumasok dito," paliwanag ng kanyang sekretarya.
Pinagkrus ni Trisha ang dalawang braso nito sa tapat ng dibdib nito at pinagtaasan siya ng kilay.
Napahinga siya nang malalim. Wala na siyang maibibigay na excuse dito para maiwasan ito. He had no choice now but to talk to her.
"It's okay, kakausapin ko siya," aniya.
Lumabas na ng opisina ang kanyang sekretarya. Pagkasara nito ng pinto ay saka niya tiningnan si Trisha. "What are you doing here?" malamig na tanong niya rito.
"It seems na nakalimutan mo na ako, that's why I decided to come here and remind you that I'm still alive. What's happening to you? Bakit hindi mo na ako tinatawagan?" Halatang nagpipigil lang ito na sigawan siya.
"I'm busy right now, Trisha. Marami akong trabaho rito sa opisina."
"Busy?" sarkastiko at nakataas ang isang kilay na sabi nito. "Busy ka ba talaga sa trabaho o sa ibang bagay?"
"I don't know what you're talking about."
Napahinga ito nang malalim bago siya tiningnan nang matalim. "Nagpunta ako sa bahay mo last week at hindi ko nagustuhan ang naabutan ko roon. Who's Roni? Bianca told me na tumira ang babaeng 'yon sa bahay mo. Is that true? Bakit wala akong alam tungkol doon?"
"Yes, tumira nga siya sa bahay ko ng isang linggo. Ano naman ang masama roon?" pabale-walang sabi niya.
"Ano'ng masama roon? Borj, nagpatuloy ka ng babae sa bahay mo nang hindi ko man lang nalalaman!"
"Kailangan ko bang sabihin sa 'yo kung sinu-sino ang mga taong pinatitira ko sa bahay ko? You're acting like a jealous girlfriend," natatawang sabi niya.
Naningkit ang mga mata nito. "Bakit? Hindi ba dapat lang? Ilang araw akong naghintay na puntahan mo ako or tawagan man lang pero wala. Iyon pala, busy ka sa ibang babae."
Hindi siya nagsalita. Napapailing lang siya habang pinakikinggan ito.
"At bakit pinatira mo ang babaeng 'yon sa bahay mo? Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao na nakakita sa kanya ro'n? Na kawawa naman ako dahil wala akong kaalam-alam na niloloko na ako ng boyfriend ko!"
Napadiretso siya sa pagkakaupo. "Come again? Ano'ng sinabi mo? Boyfriend? Trisha, malinaw ang naging usapan natin noon na wala tayong relasyon."
"At ano ang tawag mo sa mga nangyari sa atin, laro?" galit na sabi nito.
"May agreement tayo about sa—"
Pabagsak na inilagay nito ang mga kamay nito sa ibabaw ng mesa niya. Halos mamula ang buong mukha nito sa tindi ng galit. "Ganoon na lang ba
iyon? Kapag kailangan mo ako, saka mo lang ako pupuntahan? All this time, akala ko, okay na tayong dalawa.""Then mali ang iniisip mo," simpleng sabi niya.
Galit na lumapit ito sa kanya at pinagsusuntok siya. Tumayo siya at pinigilan ito sa mga kamay.
"You bastard! You told me you're in love with me! 'Yon pala, ginagamit mo lang ako! Niloko mo lang ako!"
Umiling siya. "I didn't promise you anything, Trisha. Hindi ko sinabing mahal kita. Ang sinabi ko sa 'yo noon, I love being with you."
BINABASA MO ANG
In Love Forevermore
RomanceSa kagustuhang mailayo sa kapahamakan ang natitirang mahal sa buhay, napilitan si Roni na sumunod sa gusto ni Basti. Akala niya ay wala na siyang pag-asa pang makatakas pa pero dumating ang isang knight in shining armor niya sa katauhan ni Borj. Lah...