WARNING: R-18
____________________________________________________________________________________________________
Paglabas ko ay nakita ko agad yung sekretarya ni Ali na naghihintay at may dalang mga papel sa kaliwang kamay nito. Napatitig ito kay Cliff ng paglabas namin at hindi man lang ako tinignan. Hindi ko nalang 'yon pinansin ang pagtitig niya kay Cliff, hindi naman tumingin si Cliff pabalik sa kanya.
Patuloy kami sa paglakad hanggang makarating kami sa tapat ng elevator. Yung ibang tao na nakasalubong namin ay napapatingin kay Clifford. Mahirap talaga kapag gwapo ka kasi halos lahat ng taong nakakasalamuha mo napapatingin sayo. Pati siguro butiki sa kisame at ang mga multo sa building nato napatingin rin dito sa lalaking kasama ko.
Pagbukas ng elevator ay nakita ko si Gab na prenteng naka sandal lang at hinihintay ata bumukas ang elevator.
"Hey bro, what you doing here?" tanong ni Cliff pagpasok namin.
"Just visiting someone." sabi nito at tinanguan kaming dalawa bago lumabas sa elevator.
"You know him?" tanong ko sa kanya na tinignan siya na ngayon ay nakatingin pala sa'kin.
"He's a friend of my older brother." sabi nito at nilagay ang ilang hibla ng buhok ko sa gilid ng tenga.
He's being weird again. Napapansin ko sa ilang araw o buwan na kasama ko siya ay parang nag-iiba yung trato niya sa'kin. Kung nung una ay sweet siya, ngayon ay mas lalo siyang naging sweet. He's so clingy, gentleman, overprotective, and territorial. Hindi kagaya noon na minsan lang maging gentleman kapag biglang tinopak.
"Si Limuel?"I ask him just to make sure. Hindi natin alam baka may iba pa siyang kuya diyan pero hindi lang pinalabas sa publiko.
May ganyan naman talaga. Yung iba ay tinatago kasi may anak sa labas. Ayaw masira ang apelyedo kaya ayaw ibunyag ang mga ganyang katotohanan.
Hindi rin naman kasi sinabi ni Gab na si Limuel Encarnacion pala ang isa sa mga kaibigan niya. All I know is apat sila at isa na si Levi do'n.
"Yes, there are four of them. My older brother Limuel, Gab and the other one, they're managing a restaurant while the other one is, I don't know. Hindi ko gaanong kilala yung dalawa, si Gab lang kilala ko kasi palagi yo'n pumupunta sa bahay noon hanggang ngayon." sabi nito at inilagay ang kamay nito sa bewang ko. Ang higpit pa ng pagkakahawak niya.
Kaya pala sa event nung nakaraan ay hindi niya nakilala si Levi. Kasi kung kilala na niya si Levi no'n hindi dapat gano'n ang trato niya kay Levi that time sa unang pagkikita nila. I wonder kung kilala rin ba ni Levi si Cliff.
Hindi ko nalang sasabihin sa kanya na si Levi yung isa sa kaibigan ng kuya niya. Siya niya ang bahalang tumuklas no'n.
Pagdating sa parking lot ng condominium ni Cliff ay kaagad akong lumabas. Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto. Tinignan ako ni Cliff na puno ng pagtataka dahil sa inasta ko. Nasanay kasi siya na palagi niya akong pinagbubuksan ng pinto.
"What's with you? Are you mad?" sabi nito at agad na lumapit sa'kin.
"Nothing. Your always opening the front door for me. Masyado na akong maarte, masyado akong pa prinsesa." I said almost rolling my eyes.
Nakakahiya naman kasi. Hindi naman niya ako totoong jowa kaya bakit pa niya ginagawa ang mga ganyan.
"It's my job to open the front door for my queen." he said eyeing me intently.
Natameme ako sa sinabi nito. Marunong pala siya sa mga ganyan? Oh I remember, he's playboy. Hindi na ako magtataka kung ginamit din niya ang linya na 'yan sa ibang babae niya.
BINABASA MO ANG
Behind the Lens [COMPLETED]
Любовные романы[UNDER EDITING] The Billionaire Ladies #1 : Behind the Lens Kirlstine Suzzett Imperial Necossia. The name itself was a siren's call in the Philippine fashion scene. A face that graced countless magazine covers, a body that walked the world's most p...
![Behind the Lens [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/266518434-64-k998492.jpg)