Kinabukasan, maaga akong nagising at bumangon sa aking higaan. Ngayon lamang naulit ang maaga kong paggising. Madalas ay si Lola Cams ang gumigising sa akin kasabay noon ay ang sunod-sunod niyang sermon. Na sanay na rin naman ako sa kaniya.
Naisipan ko na lamang na magluto ng aming agahan tutal maaga naman akong nagising. Nagdikit na ako ng apoy sa kalan at nilinisan ang kaldero upang makapagsaing na. Sakto namang may dalawang itlog at limang pirasong hotdog na natira sa aming lumang refrigerator. Sinimulan ko ng iprito ang hotdog sunod naman ang itlog.
Pagkatapos kong magluto ay nagtimpla naman ako ng gatas at kape. Pumunta ako sa silid ni lola Cams upang gisingin siya.
"Lola, lola. Gising na handa na po ang ating agahan."
"Hmm. Sige hija ako'y susunod na"
"Sige po, baka lumamig pa 'yon bilisan nyo po diyan ha"
Umupo ako sa aming dining area. Ilang sandali pa ay lumabas na din si Lola Cams sa kanyang silid at naupo na rin.
"Himala at napaaga ata ang paggising mo"
"Himala nga lola hihi at maigi na rin kasi hindi mo ako masesermonan"
"Talagang batang 'to, huwag mo kasing sanayin 'yang sarili mo. Matuto kang gumising ng maaga hindi 'yong nagpapagising kapa sa akin."
"Opo, opo. Sasanayin ko na ang sarili ko"
"Oh siya, kumain ka ng kumain para hindi ka magutom agad mamaya"
"Opo"
Inubos ko na ang aking pagkain at ganoon din si lola Cams. Naghugas ulit ako ng aming pinagkainan. Pagkatapos doon ay pumasok na ako sa aming banyo upang maligo at doon na rin ako nag sipilyo.
Lumabas akong balot ng tuwalya ang buo kong katawan. Pumasok ako sa aking silid para makapagbihis at hinanap ko ang aking puting uniform at kulay maroon na below the knee na palda. Mabilis akong nakapagbihis at suot-suot ko na rin ang itim kong sapatos. Inayos ko ang aking mga gamit sa aking bag at habang nagsusuklay ng aking buhok na mahaba ay lumabas na ako ng aking kuwarto.
Na sanay kasi akong nakaharap sa salamin habang nanunuklay. Pinasadahan ko ng tingin ang aking hitsura mula sa salamin. Mayroon akong di-gaanong makapal na kilay, mahahabang pilik-mata, tamang hugis ng mata at kulay brown ang mga ito, katamtamang tangos ng ilong, at manipis na labi. Mabuti na lamang at medyo matangkad ako at hindi naging mukhang manang dahil sa above the knee na palda ko. At mas lalong bumagay sa akin ang uniform ko dahil may pagkameztisa ako.
"Lola, papasok na po ako!"
Minsan iniisip ko na bingi si Lola Cams paano ba naman kasi sa tuwing tatawigin ko hindi kaagad sumasagot. At gaya ng inaasahan nasa kusina na naman siya hawak-hawak ang lumang libro. Agad niya 'yong sinarado at hinarap ako.
"Ano 'yon hija?"
Bingi nga ata. Hay buhay.
"Sabi ko po papasok na po ako"
"Ah, ganoon ba. Pasensya kana nagbabasa kasi ako kaya hindi kita kaagad narinig."
"Oh sige po, pasok na ako."
"Sige hija, mag-iingat ka."
"Opo!"
"Sandali, may baon kana ba?"
"Mayroon na po!"
Nasa harap na ako ng aming gate ng nagtanong siya kung may baon na ba ako. Tingnan mo nga naman, kung hindi ako naririnig agad makakalimutin na rin.
Eh kasi naman bago siya lumabas sa kuwarto kagabi ay nilagay na niya 'yong baon ko sa wallet ko. Tsk
BINABASA MO ANG
𝐸𝑛𝑓𝑒𝑖𝑡𝑒
Fantasy𝗦𝗶𝗻𝗼𝗽𝘀𝗶𝘀 (𝖲𝗒𝗇𝗈𝗉𝗌𝗂𝗌) Dahil sa isang lalaking madalas na gumugulo sa kaniyang panaginip, napagdesisyonan ni Avi na tuklasin ang mundo kung saan naroon ang mahiwagang pigura sa kaniyang panaginip. Ang mundong puno ng kahiwagaan, mahika...