Someone's POV
Kay aga-aga ay nakabusangot agad at halatang pagod ang batang ito. Sino nga ulit 'tong batang ito? Ah oo 'yong batang mahilig sa kikiam at siomai! Si--- si Avi Alejandro.
Maaga kasi akong naglakad-lakad bilang exercise na rin sakto namang natanaw ko siya sa hindi kalayuan mula sa aking kinatatayuan. Kawawang bata, parang pasan-pasan ang mundo.
Hindi nakalampas sa aking paningin ang busangot nitong mukha.
Natatandaan ko pa ng may lumapit sa akin, siya ata 'yong kaibigan niya. Sheena Francisco ang pangalan.
"Magandang araw po!” wika niya.
"Oh, ikaw pala. Anong sadya mo hija?”
"Ah, may hihingin lang po sana akong pabor sa inyo.”
Nagtaka naman ako, bakit kaya ako pa ang napili niyang hingan ng pabor?
"Ano iyon? Puwede naman hija sa abot ng aking makakaya.”
Agad naman siyang nabuhayan at ngumiti sa akin.
"Nako! Salamat po!”
"Nais ko lang po sanang pabantayan 'yong kaibigan ko, kailangan ko po kasing umalis at matatagalan pa po ang balik ko.”
Aba at ginawa ata akong taga-bantay nito.
"Ah, ganoon ba. Sino ba 'tong kaibigan mo na babantayan ko?”
"'Yong mahilig po sa kikiam at siomai at palagi kong kasama tuwing uwian. Avi Alejandro po ang pangalan niya” paglalarawan niya sa kaibigan niya.
"Ah, oo namumukhaan ko siya at naaalala. Iyon lang pala, huwag kang mag-alala at sisiguraduhin kong okay siya palagi.”
"Nako, maraming salamat po!”
"Wala iyon, mag-iingat ka kung saan ka man patungo.”
Ngumiti siya, halata mo ang galak na nararamdaman niya. "Oo naman po, mag-iingat ako kayo din po!”
Pagkasabi niya noon ay naglakad na siya. Ngunit hindi pa siya nakakalayo ay unti-unti siyang naglalaho habang kumakaway at ngumingiti sa akin. Namamalik mata ata ako. Kinusot ko pa ang mga mata ko ngunit totoo talaga siyang naglalaho sa liwanag.
Naguguluhan ako, alam kong ako'y may katandaan na at marami ng napagdaanan sa buhay. Sigurado namang nasa lupa pa ako at hindi pa kinukuha ng nasa itaas.
Mahabaging langit!
Totoo nga bang may kapangyarihan siyang maglaho?
Jusko! Bakit ako pa ang napagtripan ng batang ito!Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang batang tinutukoy ng kaibigan niya. Mahirap talaga siguro ang mawalan ng kakampi at sandalan mo sa iyong tabi lalo na kung nakasanayan mo na siyang kasa-kasama.
Bilang pangako, papanindigan ko ang aking sinabi sa batang si Sheena. Sapat na siguro na tanawin sa malayo ang kaibigan niya, baka kasi pagkamalaan pa ako ng kung ano. Mabuti na 'yong nasa malayo ako at natatanaw siya't maayos ay okay na 'yon.
Sa ngayon kailangan ko ng bumalik sa aking bahay at madami pa akong kailangang gawin.
______________________________
Avi's POV
Hayyyy...
Nakakailang malalim na buntong hininga na ako dito sa kinauupuan ko simula kanina, wala pa ring pumapasok sa kukote ko.
BINABASA MO ANG
𝐸𝑛𝑓𝑒𝑖𝑡𝑒
Fantasy𝗦𝗶𝗻𝗼𝗽𝘀𝗶𝘀 (𝖲𝗒𝗇𝗈𝗉𝗌𝗂𝗌) Dahil sa isang lalaking madalas na gumugulo sa kaniyang panaginip, napagdesisyonan ni Avi na tuklasin ang mundo kung saan naroon ang mahiwagang pigura sa kaniyang panaginip. Ang mundong puno ng kahiwagaan, mahika...