Inayos ko ang aking sarili. Sinuot ang aking uniporme, nagsuklay, at inayos ang aking gamit. Sisimulan ko itong araw na parang normal lang kahit mabigat sa'king loob. Ang hirap...kapag wala kang maituturing na kaibigan. Nakakamiss na may kakulitan at kadaldalan.
Handa na ako, handa na akong simulan ang araw na 'to na wala si Sheena sa tabi ko. Umalis ako ng maaga sa bahay, hindi na nga ako nakapagpaalam kay Lola Cams eh. Kasi kahit naman tanungin ko siya wala naman siyang mabibigay na sagot sa'kin eh.
Tama nga ang kutob ko na may mangyayaring hindi maganda at iyon ang pag-alis ni Sheena ng biglaan.
Pumasok ako sa room namin ng tahimik lang. Dumeritso na ako sa upuan ko, pinagmamasdan ang kabuuan ng classroom namin...may kulang. Kulang kasi walang Sheena na mangingibabaw ang boses tuwing tatawagin ako. Walang tsismis tuwing umaga na galing mismo sa kaniya.
Maya-maya pa pumasok na ang aming adviser na si Mrs. Flores "Good morning class!” pagbati niya sa amin.
"Good morning Mrs. Flores!” pabalik na pagbati naming lahat sa kaniya.
"Okay, please sit down and quiet I'll call your name for our attendance. Say present as your response.”
At inisa-isa niya nga ang pagtawag sa aming pangalan. Hanggang sa matawag niya ang pangalan ko "Miss Alejandro.”
"Present!”
Halos lahat ay natawag na ngunit may isang taong tila hindi niya nabanggit. Kaya naman tumayo ako at tinaas ko ang aking kanang kamay upang mapansin agad ako ni Mrs. Flores.
"Yes, Miss Alejandro?”
"Ah, Ma'am may mahalaga lang po akong sasabihin sa inyo.”
"Hmm okay, what is it?”
"Si Sheena Francisco po hindi na po siya mag-aaral dito kasi lumipat na po sila sa malayong lugar.”
"Huh? Sinong Sheena Francisco?” aniya na naguguluhan sa sinabi ko. Maski ako ay naguluhan din dahil hindi niya maalala si Sheena.
"Si Sheena Francisco po 'yong isa sa madaldal nyong estudyante dito. 'Yong kaibigan ko po.”
"Miss Alejandro, are you sure for what you're talking about?”
Ha?
"At isa pa sa pagkakatanda ko walang Sheena Francisco ang naka-enroll sa paaralang 'to.”
Ha? Bakit wala siyang naaalala, nakalimutan na ba niya si Sheena na minsan na niyang napagalitan? Anong nangyayari!?
Wala sa sariling napaupo na lamang ako sa aking upuan dahil wala naman na akong sasabihin pa kay Mrs. Flores.
"Oy Vivian, okay ka lang ba?” tanong ng kaklase kong si Leanne."O-oo naman...okay ako 'no!” tanging iyan lamang ang nasabi ko kaklase ko.
Ngunit kahit sa paglabas ni Mrs. Flores ay naging usap-usapan ang naging maikli naming pag-uusap ni Mrs. Flores kanina.
"Hoy alam mo ba, parang wala sa sarli si Vivian kanina pa. Ano kayang nangyayari sa kaniya?”
"Para nga siyang sira kanina eh, kung sino-sino ang nababanggit eh wala namang Sheena dito sa school natin.”
"Hayaan nyo na, baka may pinagdadaanan lang. Kayo naman masyado kayong mapanghusga doon sa tao.”
Ilan lamang 'yan sa mga naririnig ko bago ako tuluyang lumabas ng classroom namin. Pumunta na ako sa canteen namin para makakain ng tanghalian.
Nag-iisa na naman ako. Walang Sheena na dumadaldal sa'kin. Napakabigat ng nararamdaman ko. Ganito pala 'yong pakiramdam na walang andiyan para sayo, para kang pinagkaitan ng mundo. Ang saya na eh, tapos naging kapalit noon ay lungkot.
BINABASA MO ANG
𝐸𝑛𝑓𝑒𝑖𝑡𝑒
Fantasy𝗦𝗶𝗻𝗼𝗽𝘀𝗶𝘀 (𝖲𝗒𝗇𝗈𝗉𝗌𝗂𝗌) Dahil sa isang lalaking madalas na gumugulo sa kaniyang panaginip, napagdesisyonan ni Avi na tuklasin ang mundo kung saan naroon ang mahiwagang pigura sa kaniyang panaginip. Ang mundong puno ng kahiwagaan, mahika...