Kabanata 3

13 7 0
                                    

Dumating ako sa bahay ng basang-basa ang aking pang-itaas na p.e t-shirt at pants ganoon rin ang aking puting flat shoes na puno ng putik. Maigi na lamang at hindi nabasa ang mga gamit ko dahil waterproof ang loob ng bag ko.
Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa loob ng makita ako ni Lola Cams na basang-basa sa ulan.

Patay!

"Vivian!"

Tuwing tinatawag ako ni Lola Cams sa second name ko, paniguradong galit 'yan kapag ganoon. Sa susunod talaga hindi ko na makakalimutang magdala ng payong. Sa pagtawag sa akin ni Lola Cams ay hindi kaagad ako nakalingon sa kanya. Kaya naman unti-unti na siyang nakalapit sa akin.

"Ikaw na bata ka, nakalimutan mo na naman bang magdala ng payong? Paano kung magkasakit ka niyan ha, sa susunod na buwan ay sasapit na ang kaarawan mo, hindi puwedeng magkasakit ka sa araw na 'yon"

"Pumunta kana agad sa banyo at maligo. Ako na ang bahala sa mga gamit mo"

Agad din naman akong pumunta sa banyo para maligo. Pagkatapos maligo ay pumunta na ako sa kuwarto ko upang makapagbihis. Suot ko na ang aking pang-itaas na sando ng mapatingin ako sa maliit na salamit sa aking kuwarto. Hindi ko man makita ng buo ang birth mark na nasa kanang bahagi ng likod ko.

Nang minsang pumunta dito si Sheena sa bahay upang magpatulong sa assignment namin ay hindi niya sinasadyang makita akong nagbibihis. Noong oras na 'yon ay sakto akong nagbibihis ng pang-itaas kong damit. Dahil siguro na curious din si Sheena sa birth mark ko at never pa naman niya 'yong nakikita noon ay tiningnan niya ito ng saglit at tila namamangha pa sa nakikita niya.

Dahil sarili ko namang likod 'yon at malabo ko talagang makikita 'yon ay hinayaan ko siyang sabihin sa akin kung anong hitsura ng birth mark ko.
Sinabi niya naman sa akin na hindi daw pangkaraniwang birth mark yung nasa likod ko. Nagtaka ako sa kaniya noon kasi ang seryuso niya.

Ano nga bang mayroon dito sa birth mark ko?
Hindi ko man lang makita kung anong hitsura noon. Tanging sinabi lamang ni Sheena noon sa akin ay hindi ito pangkaraniwang birth mark lang.

Bihis na ako at ayos na rin ang hitsura ko ng lumabas ako ng silid ko. Nakita ko na naman si Lola Cams na nagbabasa ng libro. Binabasa niya 'yong lumang libro!
Lalapitan ko na sana siya para sumilip sa binabasa niya ng bigla niya 'yong sinarado ulit at tinago sa likuran niya.

"Oh hija tapos kana pala, nagmeryenda kana ba?"

"Hindi pa po, ano ba talagang mayroon diyan sa librong iyan lola?"

"Mabuti pa ay huwag mo na munang alamin at mas maigi pang mag meryenda ka muna. Bumili ako ng turon kay Lanie kanina..."

Magrereklamo pa sana ako kasi hindi niya masagot ng maayos 'yong mga tanong ko. May sasabihin pa sana ako kaso hindi ko na natuloy dahil nagsalita ulit siya.

"Oh, ayan magmeryenda kana lang muna at gawin ang mga assignment mo"

Kung wala akong nanay na magche-check ng notebook ng mga anak nila. May lola naman ako na palaging nagche-check ng mga notebooks ko. Kaya alam niya na may assignment ako. Makapagmeryenda na nga lang.

Natapos ko din naman ang mga assignment ko kaya pagkaligpit ko ng mga gamit ko ay pumunta ako sa kusina upang magtimpla ng gatas. Pakiramdam ko kasi nilalamig ako kaya kailangan ko ng mainit na maiinom para mainitan ako.

Habang sumisimsim ng gatas ko ay napabahing ako ng ilang beses. Napabaling agad sa akin si lola at lumapit agad siya sa akin.

"Iyan na nga ba ang sinasabi ko sayo dapat kasi hindi kinakalimutan ang payong"

"Lola promise sa susunod hindi ko na kakalimutan"

"Dapat lang, pagkatapos ng hapunan natin uminom ka ng gamot mukhang lalagnatin ka niyan mamaya"

"Opo"

Pagkatapos kumain ng hapunan ay uminom kaagad ako ng gamot kasi pakiramdam ko ay lalagnatin ako sa sobrang init ko.

Hindi nga ako nagkamali dahil pagsapit ng alas dose ng madaling-araw ay ang init ko at ako'y giniginaw ng todo. Hindi naman ako pinabayaan ni lola, alagang-alaga pa nga ako kahit panay ang sermon sa akin.

Kinabukasan, maulang umaga ang bumungad sa akin medyo ayos na ang aking pakiramdam di-tulad kaninang madaling-araw. Hindi na rin ako giniginaw pero nakasuot pa rin ako ng jacket at pajama.

Pumunta ako sa dining area namin upang maupo at makapag-agahan na rin. Mainit na lugaw na may itlog ang hinanda sa akin ni lola bilang almusal bagay na bagay sa may sakit na tulad ko. Masarap naman iyon at bagay na bagay rin sa maulang panahon.

Pagkatapos kong mag-almusal ay uminom ako ng gamot para tuluyan ng umigi ang aking pakiramdam. Mabuti na lang at sabado ngayon kaya makakapagpahinga ako ng maayos.

Maghapon akong tulog at gigising lang kapag kailangan kong kumain, uminom ng gamot, at pumunta ng banyo.

Mabuti na lang at maigi na ako buong maghapon. Ngayong paparating pa naman na linggo ay P.E na namin, maibibilad na naman kami sa initan nito.

                     <<<>>>

Hindi nga ako nagkamali dahil pagkadating ng biyernes ay sinimulan na namin ang activity namin which is mag lalaro kami ng volleyball at mainit na dampi sa aming mga balat ang namumutawi kahit alas-tres na ng hapon.

Noong mga nagdaang araw ay normal lamang ang mga naging kaganapan. Papasok ng maaga, recess,mag-aaral, lunch break, mag-aaral, at uwian na pagpatak ng alas-kuwatro ng hapon. Iyon lamang ang naging ganap ng araw-araw ko magmula lunes hanggang huwebes. At ngayong biyernes na simula na ng delubyo ng buhay namin hehe.

"Miss Alejandro receive!"

"Ay palaka!"

Hindi ko na receive ang bola dahil nagulat ako sa pagsigaw ni Sir Jerick, at dahil doon pinagtawanan ako ng mga kaklse ko.

"10 minutes break! Miss Alejandro what did you do? Masyado bang malalim 'yong iniisip mo at hindi ka makaahon?

"P--po?"

"See, ayusin mo 'yang sarili mo Miss Alejandro kung gusto mong manalo at makakuha ng malaking puntos ang mga kateam mo"

"Sorry Sir, yes sir aayusin ko na po. Sorry po talaga"

Pagkatapos kong humingi ng pasensya kay Sir Jerick ay nagpahinga muna ako sa may gilid kung saan andoon ang mga kaklase ko.

"Avi, napagdesisyonan namin na ipasok na muna si Joyce sa court at ipalit muna sa puwesto mo. Para makapagpahinga ka rin, ayos lang ba?"

"Ayos lang naman sa akin 'yon, Hazel"

Si Hazel ang kapitana ng team namin at siya rin ang pinakamahusay sa amin. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi kami makakapuntos. Mabuti pa siya malumanay na naki-usap sa akin, di tulad ni Sir Jerick na sa bawat salita ay parang masama ang loob.

At ayos na ayos sa akin 'yon kasi hindi ako mapapagod masyado. Hindi naman kasi talaga ako para dito sa larong 'to eh.

Sa huli kami rin ang nananalo. Hanggang 3rd set ay hindi na ako pinapasok sa laro pero ayos lang kasi mas nag-eenjoy naman sila at ganoon rin ako kahit nanonood lang ngunit paminsan-minsan naman ay nag che-cheer ako sa team namin.

"Congrats guys!"

"Congrats sa inyo!"

"Congrats sa team nyo Hazel!"

Pagkatapos i-announce ang pagkapanalo namin ay iyan ang mga sinasabi ng kaklase namin sa amin. Kahit kaunti lamang ang naging ambag ko ay kinongrats pa rin nila ako.

"Congrats to Hazel's team and to other team. It's okay kung hindi man nanalo ang iba, magkakaroon pa rin naman kayo ng grade sa akin dahil ang lahat ay nakipag cooperate. Better luck next time. See you on next friday."

"Thank you Sir/ Thank you Sir Jerick!"

𝐸𝑛𝑓𝑒𝑖𝑡𝑒Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon