Kinabukasan maagap akong nagising para bumili ng mga ingredients na kakailanganin ni Lola Cams mamaya. Hindi ko na ginising si Sheena dahil mahimbing pa ang tulog niya. Hindi pa din kami okay pero simpleng sagutan lang din naman 'yon, magaan naman na ang loob ko di tulad kagabi. At tsaka birthday niya ngayon dapat masaya siya at ganoon din ako.
Mahalaga sa akin si Sheena, dahil siya lamang ang kaibigan ko at itinuturing ko na rin siya bilang kapatid. Kung walang Sheena sa buhay ko, hindi magiging masigla ang bawat araw ko. Dahil si Sheena ay isa sa mga dahilan kung bakit sumasaya ang maghapon ko. Kahit madalas hindi ko siya nakakasama kasi busy siya o kaya kung saan-saan lang din nagpupupunta.
Naiintindihan ko naman siya kung gusto niyang mapag-isa, kung gusto niyang magkaroon ng me time. Alam ko din kasi 'yong mga nangyayari sa buhay niya. Palagi siyang napapagalitan ng nanay niya, minsan napapagalitan din siya ng walang dahilan. Matigas din kasi ulo niya. Kaya pinapabayaan na lang din siya ni Tita Sally. Minsan na iisip ko din na paano kung hindi talaga siya anak ni Tita Sally? Medyo magkahawig naman sila, pero malayo talaga eh. Ngayon ko lang din napagtanto. Hays. Anak man siya o hindi ni Tita Sally, mananatili pa rin siyang isang kaibigan para sa akin walang magbabago doon.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa bungad ng palengke dito sa bayan namin. Ang aga palang ay napakaraming mamimili na agad ang bumungad sa'kin. Pumunta na agad ako sa puwesto kung saan nandoon ang saging na saba para sa gagawing toron ni Lola Cams mamaya at bumili na din ako ng mga kakailanganin pang mga sangkap para sa pang sopas.
Hindi rin naman ako nagtagal sa palengke dahil kaunti lang ang mga pinamili ko. Umalis na din ako kaagad pagkatapos kong iabot ang bayad sa tindera.
Habang naglalakad ay hindi pa rin maalis sa aking isipan ang mga nangyari kagabi. Paano kung totoo talaga sila? Bakit 'yong mga kakilala ko may birthmark din naman pero hindi sila nakakaramdam ng ganoong sakit tulad noong sa'kin? Bakit ako? Mayroon pa ba akong dapat malaman? Ah! 'yong lumang libro, 'yong Luminario! Baka nandoon ang mga kasagutan na gumugulo sa aking isipan!
Mabuti pa magmadali na ako para maitanong ko na rin kay Lola Cams.
"La? nandito na po ako!”
"Oh, hija ang agap mo naman atang namalengke. Ayos na ba talaga ang pakiramdam mo?” halata pa rin sa kaniyang pananalita na nag-aalala pa rin siya sa kalagayan ko.
"La, naman ayos na ayos na po ako. Si Sheena po ba tulog pa rin?”
"Ay! Oo tulog pa rin hanggang ngayon, hayaan mo na muna ng makapagpahinga naman siya ng maayos.”
"Hmm... La?”
"Oh?”
"Iyon pong nangyari sa akin kagabi at sa sinabi noong nasa libro. Totoo po ba talaga 'yon?”
"Hija, diba sabi ko sayo sa takdang panahon mo pa malalaman ang lahat-lahat.”
"Eh bakit kailangan pa po sa takdang panahon? hindi naman na po ako bata, may muang na ako sa mundo.”
"Hija, wala ako sa tamang posisyon para ipaliwanag sayo ang lahat.”
"Eh?”
"Akin na nga 'yang mga pinamili mo. Maigi pang maglinis-linis ka ng bahay.”
Aarrggh!
Hindi ko na talaga alam!
"Ang aga-aga nakabusangot ka dyan” bungad naman ni Sheena na halatang kakabangon lang.
"Good morning! Happy Birthday Sheena!.”
"Walang sorry? diretso bati?”
"Tsk. Okay sorry na doon sa nangyari kagabi. Hindi ko naman sinasadya na pagtaasan ka ng boses eh.”
BINABASA MO ANG
𝐸𝑛𝑓𝑒𝑖𝑡𝑒
Fantasy𝗦𝗶𝗻𝗼𝗽𝘀𝗶𝘀 (𝖲𝗒𝗇𝗈𝗉𝗌𝗂𝗌) Dahil sa isang lalaking madalas na gumugulo sa kaniyang panaginip, napagdesisyonan ni Avi na tuklasin ang mundo kung saan naroon ang mahiwagang pigura sa kaniyang panaginip. Ang mundong puno ng kahiwagaan, mahika...