Bakit naman sa mga panahong ika'y kailangan,
do'n mo pa ako nagawang bitawan?
Walang pag-aalinlangan na ako'y iyong iniwan,
batid mo ba na puso ko'y husto mong nasugatan?Ikaw ang unang pumasok sa mundo ko
at ginulo mo ang tahimik na ako.
Ngayon na ako sa iyo'y lubusang nagkagusto,
saka mo naman ako nilayuan ng husto.Bakit ba sa una lang masaya?
at nu'ng nagtagal saka ka sa akin nagsawa?
Hindi mo na sana ako pinaligaya,
kung sa huli babawiin mo lang ang lahat ng saya.Laro lang ba ang lahat sa iyo?
kasi kung oo, nagwagi ka sa larong ito.
Sana no'ng una palang ay sinabi mo,
para kahit papaano nakapaghanda ako.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Nakatago
PoetrySa mga taong sawi, mahilig humugot o mahilig mag basa ng mga tula d'yan sana magustuhan n'yo ito. :) DATE STARTED: 09/15/2021 STATUS: ONGOING