Tanaw ang kalangitan,
na tila ba'y may hinahanap na kasagutan.
Bakit kay bigat ng aking dinaramdam?
at hindi mahanap ang lunas na inaasam-asam.Alam n'yo ba ang pakiramdam na walang makapitan?
'yong pakiramdam na mag-isa ka lang sa laban?
Nakakapagod, sobra.
Na mismo sarili mo sinusukuan mo na.Pinipilit ang sarili na ngumiti,
para ipakita na hindi nagdadalamhati.
Pinipilit na maging masaya sa kanilang paningin,
kahit na ang totoo'y sobra-sobra na ang dinadalang sakit at kay bigat na sa damdamin.Paano ako lalaban, gay𝗈'ng pagod na ang puso ko?
Paano ako magpapatuloy, gay𝗈'ng nahihirapan na ako sa mundo?
Sawa na kakaiyak itong puso.
Sana kahit minsan mayroong magtanong kung ayos lang ba ako.Gusto kong sumaya, pero papaano?
gay𝗈'ng isang husga, isang bitaw ng masasakit na salita ay apektado na ako.
Kung pwede lang sanang maging manhid pansamantala,
para naman mabawasan ang bigat ng aking nararamdaman, ay ginawa ko na.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Nakatago
PoesíaSa mga taong sawi, mahilig humugot o mahilig mag basa ng mga tula d'yan sana magustuhan n'yo ito. :) DATE STARTED: 09/15/2021 STATUS: ONGOING