Ewan, kung bakit ikaw ay laging nasa isip,
at laging laman sa bawat panaginip.
Lahat sa iyo ay nakakaakit,
na para bang ako'y hinihigop papalapit.Ano itong aking nararamdaman?
Bakit hindi ko ito mapigilan?
Hindi ka matanggal-tanggal sa aking isipan.
Pag-ibig na nga ba ito'ng aking nararamdaman?Kung pag-iibig man, ito'y hindi maaari,
sapagkat sayo'𝗒 m𝖾𝗋𝗈𝗇𝗀 nagmamay-ari.
Anong ginawa mo sa aking sarili?
Bakit puso ko, ikaw ang s'yang pinili?Nararamdaman ko para sa iyo ay di ko ginusto,
puso ko'y bigla na lamang nahulog sa iyo.
Alam ko namang no'ng una palang, ako'y talo
dahil kailanma'y 'di mo ako masasalo.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Nakatago
PoesíaSa mga taong sawi, mahilig humugot o mahilig mag basa ng mga tula d'yan sana magustuhan n'yo ito. :) DATE STARTED: 09/15/2021 STATUS: ONGOING