Matatamis na ngiti
at mga mapupulang labi,
ay isa lamang sa mga dahilan
kung bakit kita nagustuhan.Mga alaalang kay sarap balikan,
mga mata mo'y kay sarap pagmasdan,
at mga tawanan na gusto ko pang ulitin
pero sa ngayon ay kay labo ng gawin.Nasaktan mo ang ako ng todo
mag mula no'ng nalaman ko,
na siya parin pala ang mahal mo
at dahil do'n nawasak mo ako.Akala ko lahat ng pinapakita mo'y totoo.
Peke naman pala ang pinaramdam mo.
Mula no'ng araw na sinaktan mo 'ko,
natatakot na akong magtiwala pa sa kahit na sino.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Nakatago
PoetrySa mga taong sawi, mahilig humugot o mahilig mag basa ng mga tula d'yan sana magustuhan n'yo ito. :) DATE STARTED: 09/15/2021 STATUS: ONGOING