Sa bawat araw na lumipas,
pagmamahal ko sa 'yo ay hindi kumukupas.
Laging binabalikan ang mga alaala
at kailanma'y hindi magsasawa.Mga araw na pinuno natin ng saya,
at mga ngiti na walang sinuman ang makakapinta.
Mga yakap mo na sa akin laging ibinibigay
at mga rosas na sa akin mo iniaalay.Ngunit lahat 'yon nagbago
simula no'ng dumating s'ya sa buhay mo.
Bakit kay bilis mong magbago?
Anong nangyari bigla, mahal ko?Akala ko hindi mo ako iiwan.
May pangako kang binitawan
at 'yon ay hindi mo ako sasaktan.
ngunit pagkakamali ata na 'yon ay pagkatiwalaan.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Nakatago
PoetrySa mga taong sawi, mahilig humugot o mahilig mag basa ng mga tula d'yan sana magustuhan n'yo ito. :) DATE STARTED: 09/15/2021 STATUS: ONGOING