[1year later]
—JESSICA POV—
Labag man sa kalooban ko, ngunit nag pakasal ako sa lalakeng sobrang kinasusuklaman ko at hindi ko naman mahal.
Anthony is 5years older than me, I'm just 18years old when I get married to a powerful Mafia Boss.
May magagawa ba ako? Wala.
Mula nga ng tumira ako dito sa Mansion ay hindi ko na muli pag nakausap at nakita sila Mommy at Daddy. Kahit noong ikasal ako kay Anthony ay wala rin sila.
Simula ng ikasal kami ni Anthony ay hindi naman niya ako pinakisamahan ng maayos. Concern lang siya sakin dahil sa batang nasa sinapupunan ko na siya ang ama.
Makalipas lang nga ang ilang buwan ay sinilang ko na ang isang napakagandang sanggol, at pinangalanan ko nga 'tong Sophie.
Nang isilang ko siya at makita ko ang maamo niyang mukha. Hindi ko nais na lumaki siya kasama ang ama niyang isang demonyo at walang puso. Kaya pinagpa-planuhan ko na agad kong paano ko siya maitatakas.
—ANTHONY POV—
Kasalukuyan ako nakikipag usap sa mga bigtime syndicate na ka-transaction ko ng maka-recieved ako ng text mula sa tauhan ko na siyang nagbabantay sa Mansion.
Nanganak na daw si Jessica, at babae nga ang naging anak ko kay Jessica.
Agad ko tinapos ang pakikipag usap ko sa mga bigtime syndicate saka umuwe sa mansion.
Agad akong dumiretso sa silid ni Jessica. Nadatnan ko siyang katabi niya ang anak ko.
“Pwede ko bang kalungin ang anak ko?” seryosong pagkakasabi ko.
Tila nagdadalawang isip pa si Jessica kung ipapa-karga niya sakin ang anak ko. Kaya agad ko binunot ang baril ko saka 'to kinasa sa harapan niya.
Hindi naman siya kumibo at agad na binigay sakin ang anak ko.
Isang napakagandang sanggol.
“Napakagandang bata, namana niya sakin yung mata ang tangos ng ilong.” nakangiting pagkakasabi ko habang pinagmamasdan ang unica ija ko.
“Sophie ang pinangalan ko sa anak natin.” malumanay na pagkakasabi ni Jessica.
“Sophie, bagay na bagay sayo ang pangalan mo anak. Napakagandang pangalan. Parang ikaw.” nakangiting pagkakasabi ko habang kalong anak ko na si Sophie.
“Buti naman nagustuhan mo ang pinangalan ko sa bata.” saad ni Jessica saka ko siya tinignan.
—JESSICA POV—
Ilang saglit pa ay binalik na sakin ni Anthony ang anak ko.
Saka siya muling lumabas ng silid.
Hindi niya man lang ako tinanong kung kamusta ba ako, basta ang mahalaga lang sakanya ay si Sophie. Ang anak namin.
Buo narin ang desisyon ko na ilayo si Sophie dito. Kailangan ko lang makahanap ng tamang pagkakataon para makatakas dito Mansion.
Sa nakalipas na araw ay hindi ko na nahahawakan si Sophie dahil lagi nalang siyang kalong ni Anthony.
Madalas din na sa kwarto na ni Anthony natutulog ang isang buwang gulang ko palang na anak.
Kaya hindi ko alam kung paano ko siya maitatakas dito.
Hanggang sa isang gabi, pasado alas-otso na pero hindi parin dumarating si Anthony kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na makuha ang anak ko na kasalukuyan binabantayan ng yaya niya sa isang silid.
“Yaya, ako na bahala sa anak ko.” saad ko.
Agad naman tumango ang yaya ni Sophie at agad na binigay sakin ang anak ko.
Pagkatapos ay pasimple ko siyang nilabas sa silid at saka dahan dahan bumaba ng hagdan.
Wala akong ibang dalang gamit. Ang anak ko lamang ang kalong kalong ko.
—ANTHONY POV—
Matapos ako matanggap ng balita galing sa Mansion na balak ni Jessica itakas ang anak kong si Sophie ay agad akong umuwe sa Mansion.
At sa likod nga ng mansion ay nasalubong ko si Jessica na kalong si Sophie.
“Saan ka pupunta? At bakit mo kasama ang anak ko.” seryosong tanong ko kay Jessica habang nakatutok sa ulo niya ang baril na hawak ko, agad naman napaatras si Jessica.
Agad ko sinenyasan ang mga tauhan ko na kunin kay Jessica si Sophie.
“Wag niyo kukunin sakin ang anak ko!” saad ni Jessica.
“Anak ko rin ang batang yan Jessica, kaya may karapatan din ako sa bata.” seryosong pagkakasabi ko ngunit kalong parin ni Jessica si Sophie.
“Kahit anong mangyari, hindi ko hahayaan na mapunta sa taong tulad mo na mas masahol pa sa demonyo ang anak ko.” mariing pagkakasabi ni Jessica kaya natawa nalang ako sakanya.
“Ano bang laban mo sakin Jessica? Pinapagod mo lang ang sarili mo. Bakit hindi mo nalang ibigay sakin si Sophie. Para tapos ang usapan. At kung gusto mong umalis, umalis ka. Walang pipigil sayo. Pero sakin ang anak ko.” seryosong pagkakasabi ko.
“Tatakutin mo rin ba ako tulad ng ginawa mo sa mga magulang ko?” sarcastic niyang tanong.
“Ayaw ko ng mahagang paliwanagan Jessica. Sinasayang mo ang oras ko. Pero kung gusto mong sumunod sa mga magulang mo, sige makipag matigasan ka sakin.” sarcastic kong pagkakasabi.
“Anong ibig mong sabihin? Anong ginawa mo kila Mommy at Daddy?” naluluhang tanong ni Jessica sakin.
Ngumisi lang ako sakanya saka siya binulungan sa tenga.
“Namayapa na ang mga magulang mo, baka gusto ko sumunod.” nakangising bulong ko sa tenga niya.
“Hayop ka! Wala kang kasing sama!” umiiyak sa galit na pagkakasabi ni Jessica.
Agad ko naman siyang binaril sa ulo, bago siya bumagsak ay agad ko kinuha ang anak ko.
“Kayo ng bahala sa bangkay ng babaeng yan.” utos ko sa mga tauhan ko.
To be continue..
BINABASA MO ANG
THE MAFIA BOSS DAUGHTER
ActionSophie Fuentes is from a wealthy family. She is the cousin of Amethyst Flores (from My Personal Bodyguard), she only had her dad. But little did she know that her dad is a Mafia Boss and a mastermind of her mother's death.