—SOPHIE POV—
Kasalukuyan ako nasa loob ng kotse katabi si Daddy. Habang nagigitnaan kami ng dalawang van na ang sakay ay puro bodyguards namin.
“Dad, galit po ba kayo sakin? Dahil nagpunta ako sa Lily's Amusement Park?” malumanay na tanong ko kay Daddy.
“Hindi, pero sana hindi na yun mauulit.” seryosong pagkakasabi ni Daddy.
“Yes, Dad.” nakangiting pagkakasabi ko.
Nang makauwe kami sa Mansion, saka ko lang napansin na ang dami na palang missed call sakin ni Nathan.
Kaya naman ng magtungo ako sa kwarto ko ay saka ko siya tinawagan.
“Kamusta? Ok ka lang ba? Nakauwe kana ba?” agad na tanong ni Nathan sakin.
“Yah, I'm ok. Nandito na ako sa bahay. Paano mo nga pala nalaman na umalis ako?” sagot ko.
—NATHAN POV—
“Ah, naisip ko lang. Hindi mo kasi sinasagot ang tawag ko. Kaya naisip ko na baka umalis ka.” palusot ko, pero ang totoo ay nakita ko siya sa Lily's Amusement Park dahil kasama ako ng boss ko na si Mr. Gomez ng magtungo doon.
“Akala ko stalker kita eh.” natatawang pagkakasabi ni Sophie.
Tumawa nalang din ako kahit wala naman nakakatawa sa sinasabi ni Sophie.
“Pasensya na pala kanina kung hindi tayo nag enjoy sa friendly-date natin. Kung ok lang sayo, next week yayayain ulit sana kita.” malumanay na pagkakasabi ko.
“Hmm ok sige. Pero bakit ba nagmamadali tayong umalis kanina? May iniiwasan ka ba? Siguro may iba kang dini-date 'no? Oh hindi naman kaya may tinatakasan kang utang.” saad ni Sophie.
“Ibang dini-date? Naku, maniwala ka man o sa hindi. Ikaw lang ang nag iisang babaeng niyaya kong lumabas at binigyan ko ng bulaklak.” seryosong pagkakasabi ko.
“Eh bakit nga ba ako lang?” seryosong tanong ni Sophie.
“Sasabihin ko nalang sayo kapag nagkita ulit tayo, sa lugar kung saan kita dinala. Doon tayo magkita.” saad ko.
[1week later]
—SOPHIE POV—
Ngayon ang araw na magkikita kami ni Nathan.
30mns bago ang oras ng usapan ng pagkikita namin ay nagpunta na ako sa nature park.
Nang dumating ako doon ay wala pa siya. Kaya nagmasid-masid nalang muna ako sa paligid.
Hanggang sa mag-ring ang cellphone ko, nakita kong tumatawag si Nathan kaya agad ko 'tong sinagot.
“I'm on my way. See you soon.” saad ni Nathan.
Agad naman ako ngumiti habang kausap si Nathan sa kabilang linya.
“Ok, can't wait to see you again.” nakangiting pagkakasabi ko.
Pagkatapos ng pag uusap namin ni Nathan ay may biglang tumakip na kamay sa bibig ko at humawak sa braso ko.
Nagpupumiglas ako habang pilit akong sinasakay ng dalawang hindi ko pa nakikilalang lalake sa loob ng van.
—NATHAN POV—
Exactly 2:30PM ay dumating ako sa tagpuan namin ni Sophie.
Pero wala siya doon.
Nagpalinga linga ako sa paligid pero hindi ko siya makita.
Hanggang sa makita ko sa lupa ang cellphone. Cellphone yun ni Sophie, ibig sabihin may nangyaring hindi maganda sakanya.
Kaagad ako sumakay muli sa kotse ko at agad na nagtungo sa Mansion nila Sophie upang kausapin si Mr. Fuentes tungkol sa biglaang pagkawala ni Sophie.
“Anong ibig mong sabihin? May dumukot sa anak ko?!” agad na bulyaw ni Mr. Fuentes.
“Ganun na nga Mr. Fuentes, may usapan kasi kami ni Sophie na magkikita kami sa nature park pero pagdating ko doon, wala siya. Tanging ang cellphone nalang niya ang nakita ko.” paliwanag ko.
Agad naman tumayo si Mr. Fuentes mula sa kinauupan niya bigla nalang binaril ang dalawang tauhan niya dahil sa galit niya.
To be continue..
BINABASA MO ANG
THE MAFIA BOSS DAUGHTER
ActionSophie Fuentes is from a wealthy family. She is the cousin of Amethyst Flores (from My Personal Bodyguard), she only had her dad. But little did she know that her dad is a Mafia Boss and a mastermind of her mother's death.