CHAPTER 4

448 21 0
                                    

—ERIKA POV—

“Gwapo ba yung lalakeng napagkamalan mo na magnanakaw?” intersadong tanong ko kay Sophie.

“Hmmm oo gwapo siya. Pero alam niyo, sobrang nahihiya talaga ako kanina. Eh malay ko bang kilala siya ni Daddy. Napagkamalan ko tuloy magnanakaw. Grabe nahihiya talaga ako sa ginawa ko kanina.” saad ni Sophie saka niyakap ang unan.

“Kwento mo palang natatawa na 'ko eh.” natatawang pagkakasabi ni Tiffany.

“Eh ano naman ang sinabi ng Daddy mo sayo?” tanong ko.

“Wala naman. Hindi rin naman siya nagalit sakin.” sagot ni Sophie.

“Mahal na mahal ka talaga ng Daddy mo 'no?” nakangiting pagkakasabi ni Tiffany.

“Oo, pero nananabik parin ako sa pagmamahal ng isang ina. Mas magiging masaya siguro ako kung nandito rin si Mommy kasama namin ni Daddy. Yun nga lang, namatay siya matapos akong ipanganak.” naluluhang pagkakasabi ni Sophie.

Nagtinginan naman kami ni Tiffany at sabay namin na niyakap si Sophie.

“Wag kana kasi malungkot, kahit naman wala si Tita, you're still lucky to have your dad.” saad ni Tiffany.

“Yah, true. At saka nandito rin kami para sayo. Alam mo naman na higit na tayo sa magkakaibigan diba? We're like sisters na.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Aww, so sweet. Thank you.” nakangiting pagkakasabi ni Sophie.

[2weeks later]

—SOPHIE POV—

Napapadalas na nga ang pag alis ni Daddy. Umuuwe nalang siya minsan nalang sa isang linggo. I once asked him kung bakit minsan nalang siya umuuwe dito sa Mansion pero ang sabi lang niya ay masyado siyang busy.

Kagigising ko lang at patungo ako sa kitchen ng makita ko si Nathan.

“Hi, Sophie. Good Morning.” nakangiting bati niya sakin.

“Anong ginagawa mo dito? Wala dito si Daddy.” agad na saad ko.

“Hindi naman ang daddy mo ang pinunta ko dito, kundi ikaw.” nakangiting pagkakasabi niya saka inabot sakin ang bouquet of flowers.

“Allergies ako sa bulaklak.” seryosong pagkakasabi ko.

“Ah ganun ba, sorry ha hindi ko alam.” malungkot na pagkakasabi ni Nathan.

“Joke lang.” natatawang pagkakasabi ko.

“Ah kala naman totoo na.” nakangising pagkakasabi ni Nathan.

“Salamat dito sa bulaklak ha. Pero bakit mo ba 'ko binibigyan nito?” pagtataka ko.

“Ah, gusto ko lang naman makipag kaibigan. Kung ok lang naman sayo.” saad ni Nathan.

“Of course.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Gusto mo doon tayo mag usap sa Garden? Mas presko ang hangin doon.” nakangiting pagkakasabi ko.

—NATHAN POV—

“Sige ba.” nakangiting pag payag ko.

At saka kami nagtungo sa garden ng Mansion nila.

“Si Daddy, matagal kana ba niyang kilala? Saka paano kayo nagkakilala ni Daddy?” interesadong tanong ni Sophie sakin.

[Flashback]

“Kung sino man sainyo ang makakausap ni Sophie, ayaw kong malalaman niya na isang Mafia Boss ang Daddy niya.” seryosong pagkakasabi ni Mr. Fuentes.

“Yes, Boss.” rinig kong sagot ng mga tauhan niya.

[End of Flashback]

“Ah, dating magka business partner ang daddy ko at ang daddy mo. Kaya nakilala ko si Mr. Fuentes.” pagsisinungaling ko.

“Ah so businessman din pala ang daddy mo. Eh anong ginagawa mo dito nakaraang linggo? Anong kailangan mo kay Daddy?” muling tanong ni Sophie.

“May binigay lang ako kay Mr. Fuentes, isang napakahalagang bagay.” sagot ko.

“Ah ganun ba. Pero pasensya kana talaga sa ginawa ko sayo ha. Masyadong masakit yung paghampas ko sayo?” malumanay na tanong ni Sophie.

Hindi ko naman maiwasan na matulala sakanya. Dahil sobrang ganda niya. Para akong nakatingin sa isang anghel.

“Bakit ganyan ka makatingin sakin? May dumi ba ako sa mukha?” pagtataka ni Sophie matapos niyang mapansin na nakatitig ako sakanya.

Ngumiti na lamang ako sakanya.

Maya maya pa ay nag ring ang phone ko. Si Marco na kaibigan ko ang tumatawag sakin.

“Ah sandali lang ha. Sagutin ko lang 'tong tawag.” paalam ko kay Sophie saka ako tumayo at dumistansya ng kunti bago ko sinagot ang tawag ni Marco.

“Nathan, nasaan ka ba? Pinahatid lang sayo yung mga baril kay Mrs. Chai hindi kana bumalik.” saad ni Marco.

“Pabalik narin ako d'yan. I'm on my way.” seryosong pagkakasabi ko at saka binaba ang tawag.

Pagkatapos ay bumalik ako sa kinaroroonan ni Sophie.

“Pasensya kana, pero kailangan ko narin umalis.” paalam kong muli kay Sophie.

“Ok, thank you sa pa-bulaklak.” nakangiting pagkakasabi ni Sophie.

“Kung ok lang sayo, pwede ba kita yayain lumabas bukas?” malumanay na tanong ko.

“Ah sure. Sige, what time ba?” agad naman na sagot ni Sophie.

“Ganitong oras din.” nakangiting pagkakasabi ko at agad narin akong umalis.

To be continue..

THE MAFIA BOSS DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon