CHAPTER 8

295 16 0
                                    

—ANTHONY POV—

Sa labas palang ng gusali ay marami ng mga nagbabantay kaya inutusan ko ang mga tauhan ko na paulanan ng bala ang mga bantay sa labas.

Akala ko ay ubos na sila, pero tila para silang mga lagam na hindi maubos ubos kaya halos tumagal ng ilang minuto ang palitan ng putok ng baril. Marami rin sa mga tauhan ko ang nasugatan at ang iba ay namatay naman.

Habang si Nathaniel naman ay napadlisan ng bala sa braso.

Agad na nga kami pumasok sa loob ng gusali pero parang wala na doon si Gomez, at ang naiwan na lamang ay ang mga tauhan niya. Maaaring batid na niya na susugod ako dahil alam ko ng bihag niya ang anak ko.

Oo isa akong walang pusong Mafia Boss, pero sa pagkakataon na 'to ay magpapaka-ama muna ako sa anak ko.

Lahat ng silid ay pinasok namin ngunit wala doon si Sophie.

—SOPHIE POV—

Nagising ako matapos ko marinig ang sunod sunod na putok ng baril.

Hanggang sa mapansin kong nakatali pala ako sa isang upuan habang puro bomba ang nasa paligid ko na may timer.

Gustuhin ko man sumigaw pero may busal ang bibig ko.

Maya maya pa ay bumukas ang pintuan at halos maluha ako ng makita ko si Daddy. Agad siyang pumasok ng silid at kasama niya si Nathaniel na dumudugo ang kaliwang braso.

Kaagad ni Daddy tinanggal ang pagkakatali sakin sa upuan saka ako mahigpit na niyakap.

Emotional naman ako na niyakap si Daddy. Pero kaagad din ako kumalas mula sa pagkakayakap kay Daddy ng maalala ko ang mga bomba na nakalagay sa paligid ng silid na 'to.

“Kailangan na po natin umalis dito, may mga bomba po na nakalagay sa paligid ng silid na 'to.” saad ko.

Pero imbes na magdali si Daddy na makaalis dito sa silid ay tinignan niya lamang ako saka siya ngumiti sakin.

“Dad, can you hear me? I said we need to hurry. We don't have any time left.” pagmamadali ko.

Agad naman niya hinawakan ang kamay ko saka tumitig sakin na labis ko pinagtaka.

“Sophie, marami akong naging kasalanan sayo. And I know that sorry isn't enough. About to your mom, I lied. Hindi totoong namatay siya when she gave birth to you.” mahinanon na pagkakasabi ni Daddy at yun ang unang beses na nakita kong nanggigilid ang luha sa mata niya.

“Dad, kung ano man yan sasabihin mo pwede mamaya nalang? We need to get out of here.” seryosong pagkakasabi ko.

Nasa pintuan na ako ng silid ng muling magsalita si Daddy dahilan upang mapatigil ako.

“I killed your mom.” seryosong pagkakasabi Dad.

Agad naman na tumulo ang luha sa mga mata ko matapos ko marinig yun mula kay Daddy.

Kaya agad ko siyang nilingon.

“What did you say? You killed my mom? You killed your own wife?” pag uulit ko habang patuloy ang pag agos ng luha sa mata ko.

Agad naman nagkatinginan si Nathaniel at si Daddy.

“Isa akong Mafia Boss. You're the Mafia Boss' daughter, Sophie.” saad muli ni Daddy.

“You're lying.” saad ko na tila ayaw tanggapin ng utak ko ang mga nalaman ko.

—NATHAN POV—

Bahagya ako napatingin sa isang bomba na may timer. 00.08.35 na ang nakalagay.

“Nathan, please take care of my daughter.” seryosong pagkakasabi ni Mr. Fuentes.

“Dad.” naiiyak naman na pagkasabi ni Sophie.

Pero agad si Sophie na pinagtulakan ni Mr. Fuentes palabas ng silid.

“Dad, don't do this please.” umiiyak na pagkakasabi ni Sophie.

“I'm sorry sweetie. But always remember that I love you so much.” nakangiting pagkakasabi ni Mr. Fuentes saka agad na sinara ang pintuan.

“No, Dad! Please open the door!” umiiyak na pagkakasabi ni Sophie habang kinakalampag ang pintuan.

Agad ko naman siyang niyakap mula sa likod at saka sapilitan na inakay siya palabas ng gusaling yun.

Ilang saglit pa ng makalabas na kami ay agad ng sumabog ang isang silid mula sa ika-apat na palapag kung saan nandoon si Mr. Fuentes.

“Daddy!!” umiiyak na sigaw ni Sophie at kaagad ko nalang siya niyakap ng mahigpit.

Hanggang sa bigla nalang siya mawalan ng malay at agad na bumagsak pero agad ko siyang nasalo.

Agad ko siyang dinala sa pinakalamalapit na Hospital.

To be continue..

THE MAFIA BOSS DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon