CHAPTER 3

508 19 0
                                    

—SOPHIE POV—

Kasalukuyan ako nagbabasa ng libro habang nakaupo sa couch na malapit sa swimming pool area, ng mapansin ko ang lalake na nagmamasid sa loob ng Mansion.

Agad nga ako tumayo hawak ang libro at pasimpleng pumasok sa loob ng Mansion. Saka ko hinampas hampas ang lalake.

“Aray!” agad na saad ng lalake matapos ko siya hampas hampasin ng librong hawak ko.

“Magnanakaw ka 'no?!” seryosong tanong ko.

“Hindi ako magnanakaw.” sagot niya.

“Anong hindi? Kitang kita ng dalawang mata ko na nagmamasid ka dito sa loob ng Mansion. Kahit maraming nagbabantay dito sa Mansion, kilala ko silang lahat. At yang pagmumukha mo. Hindi yan pamilyar sakin.” sarcastic na pagkakasabi ko.

Sisigaw sana ako pero agad niya ako sinandal sa pader saka niya tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niya.

“Ang ingay mo masyado.” seryosong pagkakasabi niya habang nakatitig sa mata ko.

“Anong nangyayari dito?” seryosong tanong ni Daddy na kakarating lang.

Agad naman tinanggal ng lalake ang kamay niya mula sa pagkakatakip sa bibig ko, saka niya inayos ang sarili niya.

“Dad, magnanakaw ang lalakeng yan. Nakita ko siya kanina dito sa loob ng Mansion.” agad na sumbong ko kay Daddy.

“Tinawag mong daddy si Mr. Fuentes?” hindi makapaniwalang tanong ng lalake kaya ng tumingin siya sakin ay agad ko siyang tinarayan.

“Oo dahil daddy ko siya, eh ikaw? Sino ka ba? At anong ginagawa mo dito sa loob ng Mansion? May pinaplano kang masama 'no?” sarcastic na pagkakasabi ko.

“Enough. Sophie, pwede mo na kaming iwan ni Nathan.” seryosong pagkakasabi ni Daddy.

“You know him dad?” pagtataka ko.

Agad na tumango si Daddy sakin.

Dahil sa kahihiyan na ginawa ko ay agad akong umalis at iniwan silang dalawa.

—NATHAN POV—

“Dala mo na ba ang napag usapan namin ng Boss mo?” seryosong tanong sakin ni Mr. Fuentes, isang powerful Mafia Boss.

“Yes, Boss. Dala ko na.” nakangising pagkakasabi ko saka nilapag sa lamesa ang bag kung saan naglalaman ng iba't ibang klase ng baril.

Agad naman niya yun pina-check sa mga tauhan niya at ng makitang ok naman ay saka niya binigay ang napagkasunduang pera.

Matapos yun ay agad narin akong umalis.

Ngunit sa gate ng Mansion ay muli ko nasalubong si Sophie.

Umiwas siya ng tingin sakin kaya minabuti kong lumapit sakanya.

“Pasensya na sa nangyari kanina. Hindi ko naman din kasi alam na anak ka pala ni Mr. Fuentes.” malumanay na pagkakasabi ko.

Agad naman siya tumingin sakin.

“Pasensya narin kung nahampas kita ng libro kanina. Akala ko kasi magnanakaw eh.” saad naman ni Sophie.

Agad naman ako ngumiti sakanya.

“May magnanakaw ba naman na ganito ka-gwapo.” pagpapatawa ko pero hindi man lang siya natawa sa sinabi ko.

—SOPHIE POV—

Ilang saglit pa ay umalis na rin si Nathan sakay ng isang kotse na nakaabang sa labas ng gate.

Papasok na ako sa loob ng Mansion ng makita ko si Daddy na patungong garage kaya agad ko siyang sinalubong.

“Aalis ka Dad?” seryosong tanong ko.

“May kailangan lang akong puntahan. Wag mo na 'kong intayin na umuwe. Baka alanganin oras na ako makauwe.” saad ni Daddy saka siya sumakay ng kotse matapos buksan ng driver niya ang pintuan.

Wala naman si Daddy, kaya naisipan ko nalang na papuntahin dito sa mansion sila Tiffany at Erika.

—NATHAN POV—

“Anong nangyari sayo? Bakit nakangiti ka d'yan?” seryosong tanong sakin ni Marco.

“May nakilala kasi akong babae, napakagandang babae. Sophie ang pangalan niya.” saad ko.

“Si Sophie Fuentes? Yung anak ni Mr. Anthony Fuentes?” magkasunod na tanong ni Marco.

“Siya nga.” sagot ko.

“Anak si Sophie ng isang Mafia Boss. Kaya mag ingat ingat ka.” sarcastic na pagkakasabi ni Marco.

To be continue..

THE MAFIA BOSS DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon