—TIFFANY POV—
“Uy Erika, nabalitan mo ba yung nangyari kay Sophie?” agad na tanong ko kay Erika matapos ako magtungo sa Bahay nila.
“Hindi, bakit?” pagtataka niya.
“My god girl, na-kidnapped si Sophie.” saad ko.
“Wait, what?!” labis na pagkabigla ni Erika.
—ANTHONY POV—
Malakas ang kutob ko na may kinalaman si Gomez sa pagkawala ni Sophie kaya agad ako nagtungo sa Mansion niya.
“Nathan, bakit kasama mo si Fuentes? Wala naman kaming usapan na magkikita kami ngayon.” sarcastic na pagkakasabi ni Gomez.
Agad ko naman tinutok sa ulo niya ang baril na hawak ko kaya mabilis din na binunot ng mga tauhan niya ang kani-kanilang baril at sabay sabay na tinutok sakin ngunit hindi man lang ako natinag.
Habang si Nathan naman at iba ko pang tauhan ay naglabas narin ng mga baril saka tinutok naman sa mga tauhan ni Gomez.
“Nasaan ang anak ko? Nasaan si Sophie?” nanggigigil na tanong ko.
“Paano mo naman nasabing tinatago ko nga ang anak mo? At kung tinatago ko naman siya, bakit hindi mo nalang siya ibigay sakin? Fuentes, maganda ang anak mo. Maraming client ang magkaka-interest sakanya.” nakangising pagkakasabi ni Gomez.
“Hayop ka!” kakalabatin ko na sana ang gatilyo ng baril ko pero kaagad ako inawat ni Nathan kaya agad ko siyang tinignan.
“Hindi natin malalaman kung nasaan si Sophie kung papatayin mo si Boss.” seryosong pagkakasabi ni Nathan.
“Bakit ba natatakot kang mapahamak si Sophie? Eh hindi ka nga natakot na patayin ang sarili niyang ina? Oh teka, alam na ba niyang ikaw ang pumatay sa mommy niya?” sarcastic na pagkakasabi ni Gomez kaya lalo nag init ang ulo ko sakanya pero kaagad ako inawat ng iba kong mga tauhan.
“Hindi pa tayo tapos. Sa oras na malaman kong ikaw ang dumukot sa anak ko. Hindi ako magdadalawang isip na patayin ka.” pagbabanta ko at saka na ako umalis.
[2days later]
—SOPHIE POV—
“Sabi ni Boss, isuot mo daw 'to.” maangas na pagkakautos sakin ng isang babae saka binato sakin ang isang kulay pulang damit.
Hindi naman ako kumibo at tinignan lamang ang damit na nahulog na sa sahig, habang patuloy na pumapatak ang luha mula sa mata ko.
“Ano? Hindi mo pupulutin yan? Bingi ka ba?” masungit na pagkakasabi ng Babae.
Agad siyang lumapit sakin saka hinila ang buhok ko.
“Wag ka masyadong maarte, sumunod kana lang.” seryosong pagkakasabi ng babae saka ako tinulak kaya napasubsob ako sa kama saka naman siya agad na lumabas ng silid kung saan dalawang araw na akong nakakulong.
Ilang beses ko ng sinubukan na tumakas pero palagi akong nahuhuli ng mga nagbabantay sa gusaling 'to.
“Dad, nasaan kana? Sabi mo hindi mo hahayaan na mapahamak ako. I need you now that. Please save me.” umiiyak na pagkakasabi ko.
Ilang saglit pa ay dalawang lalake ang pumasok sa silid kung saan ako kinulong. Agad nila akong hinawan sa braso saka sapilitan na nilabas ng silid.
“Saan niyo 'ko dadalhin?” kabadong tanong ko pero hindi sila kumibo.
Agad naman ako nagpumiglas hanggang sa sikmuraan na ako ng isa sa kanila.
—NATHANIEL POV—
“Alam ko na kung nasaan si Sophie.” seryosong pagkakasabi ko kay Mr. Fuentes ng magtungo ako sa Lily's Amusement Park kung saan nandoon ang hide-out niya.
Agad naman nabaling sakin ang atensyon niya matapos marinig ang sinabi ko.
“Nasaan si Sophie?” seryosong tanong sakin ni Mr. Fuentes
Sa isang gusali, kung saan doon dinadala ni Boss ang mga nakukuha nilang babae na ginagawang prostitute.
To be
—ANTHONY POV—
Matapos kong malaman kung nasaan si Sophie ay agad nga kami nagtungo sa sinasabing building ni Nathan.
Humanda sakin ang Gomez na yan, sisiguradin kong dadanak ang dugo niya sa sahig sa oras na may mangyaring masama sa anak kong si Sophie.
To be continue..
A/N:
Si Mr. Gomez (Leader of famous Drug Syndicate) din ang mastermind sa pag kidnapped kay Amethyst (Chapter 20; My Personal Bodyguard).
BINABASA MO ANG
THE MAFIA BOSS DAUGHTER
ActionSophie Fuentes is from a wealthy family. She is the cousin of Amethyst Flores (from My Personal Bodyguard), she only had her dad. But little did she know that her dad is a Mafia Boss and a mastermind of her mother's death.