January 12, 2020 - My Break

54 5 0
                                    

Grade 12 DigiArts 1 Peepz 🎨

JAN 12 AT 19:46

Malia

Avery, please, kausapin mo na ako.

This is important.

Hindi ko naman deserve 'to. Hindi ko naman deserve na magmakaawa pa para lang pansinin mo.

Rence

Ano ba 'yan, kung may issue kayo 'wag niyong dinadala dito. Kayo ang mag-usap.

Yannie

Ano ba kasing nangyayari? @Malia

'Pag tinatanong naman kasi kita hindi ka sumasagot. Tapos ngayon dito ka sa gc gumaganyan.

Malia

Bakit parang sa akin ka pa galit, Yan?

Ako nga na-agrabyado dito.

Yannie

Tell me what happened then.

Tell us. Tutal, dinamay mo na lang rin kami since dito ka sa gc nag-ra-rant.

Jolo

@Avery Tol, kausapin mo 'to.

At ikaw @Malia, 'wag kang mag-inarte ng ganyan dito.

Sorry for the word, ha. 'Wag ka ma-offend pero kasi yung ganyang problema, hindi sa gc inaayos yan.

Malia

Cute niyo. Sa akin pa kayo inis. 🙂

Jolo

Hindi kami naiinis sa'yo or kay Avery. Nakakainis lang na dinadala mo dito yung hindi dapat sa gc pinag-uusapan.

Avery

Ano na naman 'to, Mal?

Rence

Buti 'yung nandito ka, Avery. Kausapin mo na 'yan si Malia.

Ikaw rin kasi eh.

Wala namang mali kung masaya ka sa bago mo. Pero parang bigla mo rin kasing dinesregard si Malia.

Yannie

Kaya nga. Nag-break man lang ba kayo ulit?

Avery

Bakit mag-be-break? Hindi naman kami nagkabalikan?

Yannie

Kung hindi, nag-usap man lang ba kayo when things between you ended?

Avery

Oo naman.

Malia

Hahahahaha! Usap tawag mo don, Avery?

Avery

I apologized and explained why we should end things. Ano bang usap ang gusto mo?

Malia

Kausapin mo ako ngayon. Meet me.

'Yun ang gusto ko.

Avery

No, Mal.

We're not going to talk on your terms. Pumayag na akong makipag-usap sa'yo, gusto mo pang ibigay lahat ng demands mo.

Our Late Night Story (Ours Series #1) (Epistolary) - BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon